^

Pang Movies

Dennis may sakit, kay Jennylyn hinandog ang award

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dennis may sakit, kay Jennylyn hinandog ang award

Happy sina Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle dahil 3rd Best Picture sa Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival ang official entry ng Regal Entertainment Inc., ang One Great Love.

 

Sure ako na lalong darami ang mga manonood ng love story movie ng Regal dahil sa parangal na natanggap nito.

Sayang, hindi nanalo na best actress si Kim Chiu pero okey lang dahil deserving winner si Gloria Romero, ang bidang babae sa Rainbow’s Sunset, kahit hindi ko pa napanood ang pelikula.

Masuwerte naman si Dennis Trillo dahil after 14 long years, nanalo uli siya na Best Actor sa MMFF.

Kahit ‘di niya personal na natanggap ang nasabing trophy dahil may sakit siya, dedicated niya ito sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Best Director ng MMFF 3018 si Joel Lamangan, ang direktor ng Rainbow’s Sunset.

May trivia ako tungkol kina Joel at Dennis. Si Joel ang direktor ng Aishite Imasu 1941: Mahal Kita, ang official entry ng Regal Films sa MMFF noong 2004.

Ang Aishite Imasu ang Best Picture sa 30th MMFF at ito ang unang pelikula ni Dennis bilang artista.

Si Dennis ang nanalo na Best Supporting Actor para sa transgender woman role niya sa nasabing pelikula ni Joel.

Ngayong 2018, pareho na silang MMFF winners ni Joel, ito ang best director at siya ang Best Actor.

Eric nagpasalamat

Nagbabakasyon sa Amerika ang One Great Love director na si Eric Quizon pero mabilis na nakarating sa kanya ang balita tungkol sa 3rd Best Picture award ng pelikula ng Regal Entertainment Inc.

“Sa lahat ng bumubuo ng pelikulang One Great Love, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Marami kayong matututunan tungkol sa love and relationships.Still showing and growing strong,” ang mensahe ni Eric sa lahat ng mga sumusuporta sa One Great Love.

Anne nasa bakasyon na

Officially on vacation na pala uli si Anne Curtis pagkatapos ng Gabi ng Parangal ng MMFF na dinaluhan niya noong Thursday night.

Alam na nating lahat na hindi nanalo si Anne na Best Actress pero happy siya sa awards na napanalunan ng kanyang pelikula, ang Aurora na patuloy na pinipilahan sa box office.

Bakasyon grande na si Anne hanggang December 31 dahil naging busy siya sa promo ng Aurora pagkatapos ng honeymoon nila ni Erwan Heussaff sa South Africa.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with