^

Pang Movies

Top 3 malabo nang matibag!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Base sa pila sa mga sinehan in Metro Manila, walang alinlangan na pukpukan sa takilya ang respective movie ni Vice Ganda na Fantastica kung saan kasama niya ang dating Kapuso actor na si Richard Gutierrez at ang nananatiling Kapuso na si Dingdong Dantes at ang pelikula ni Coco Martin na Jack Em Popoy: The Puliscredibles na tinatampukan naman nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

 

Malakas din sa takilya ang Aurora ni Anne Curtis habang humahabol naman ang Mary, Marry Me ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga kasama si Sam Milby. Gayundin ang apat sa walong kalahok, ang The Girl In the Orange Dress, One Great Love, Rainbow’s Sunset at Otlum.

Hindi pa man nagbibigay ng official ranking ang Metro Manila Film Festival sa walong pelikulang kalahok until after the filmfest. 

Magbago man ang ranking ng Nos. 4 to 8, mukhang hindi na matitinag sa puwesto ang nasabing tatlong pelikula.

Although dalawa pa lamang sa walong kalahok ang aming napapanood ay nag-enjoy kami sa pelikulang Mary, Marry Me. First directorial job ito ni RC de los Reyes at first attempt ni Toni na maging star at producer ng pelikula under her own TinCan Productions. Isa itong romance-comedy na kuwento ng magkapatid na na-involved sa isang guy na ginagampanan ni Sam.

Kitang-kita sa movie ang pagiging natural nina Toni at Alex dahil naipakita nila kung gaano sila ka-close bilang magkapatid which they are in real life. Kahit  mas kilala si Alex sa kanyang pagiging kikay at pagiging na­tural comedian, kaya pala nitong maging isang seryosong actress kung kinakailangan sa eksena.

Buboy inuna ang bahay at negosyo kesa sa kasal

Masaya ang teen actor na si Buboy Villar na may pelikula siyang kalahok sa ongoing MMFF, ang horror movie na Otlum (Multo) mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan at tinatampukan din nina Jerome Ponce, ang young cager na si Ricci Rivero, John Estrada at iba pa.

Samantala, hindi pa rin napapakasalan ni Buboy ang kanyang American live-in partner of two years na si Angillyn Gorens kahit may one-year-old daughter na silang si Vlanz Karollyn. Inamin ni Buboy na gusto umano niyang pag-ipunan ang wedding nila ni Angillyn dahil mas inuna umano niya ang bahay at isusunod na rito ang negosyong kanilang sisimulan early next year na isang bakery.

Hindi ikinakaila ni Buboy na hindi niya gaanong na-enjoy ang kanyang kabataan dahil bata pa lamang siya ay nagta-trabaho na siya bilang isang child actor para sa kanyang pamilya.  Pero wala umano siyang pinagsisisihan lalo na ang pagkakaroon niya ng sarili niyang pamilya at an early age.

Jackie masaya ang 2018!

Ang reconciliation ng mag-iinang Jackie Forster at ang kanyang estranged sons na sina Kobe at Andre Paras after twelve years ay isa sa maiinit na balita sa showbiz sa taong ito ng 2018.

Hinding-hindi makakalimutan ng dating aktres nang siya’y makatanggap ng tawag kay Kobe na naka-base pa noon sa Amerika habang si Jackie and her new family – her Dutch national husband at mga anak na sina Jared, Kaleigh at Yohan ay naka-base sa U.K.  Umabot umano ng 40 minutes ang pag-uusap nilang mag-ina sa telepono. Kasunod na rito ang pagpunta sa Amerika ni Jackie to see and visit Kobe at nag-stay siya roon sa loob ng isang buwan.  Very thankful din si Jackie sa kanyang present husband sa pang-unawa at suporta nito sa pagnanais niyang muling mapalapit sa kanya ang dalawang anak na matagal niyang hindi nakita.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with