^

Pang Movies

Kahit walang ganap, John Lloyd maingay ang pangalan sa 2018

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kahit walang ganap, John Lloyd maingay ang pangalan sa 2018

Magtatapos na lang ang taon ay con­sistent pa rin sa pa­gi­ging newsmaker si John Lloyd Cruz to think na ba­kas­yon siya ngayon sa showbiz.

 

Talk of the town na naman ang naka-leave na aktor dahil sa family photo ng mga Adarna’s na lumutang sa internet.

Sa mga nasabing larawan, kapansin-pansin na wala si Lloydie kaya ang tanong ng lahat ay nasaan siya.

Matatandaan kasing last New Year, nag-post si Ellen ng family photo nila at kasama roon si Lloydie kaya naman nakapagtatakang wala siya ngayon.

Kapansin-pansin din sa larawan na walang hawak na baby si Ellen pero may isang baby na karga-karga ng isang nasa larawan at feeling namin, ‘yung ang anak nila ni Lloydie.

Ang nag-post naman ng mga larawan ay ang relative ni Ellen na si Mia Adarna.

Heart hindi na broken-hearted!

“Stronger and happier than ever” naman ang inilagay ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram caption kahapon. Obviously, masaya ring magtatapos ang taon ng aktres kahit pa nga ba dumaan siya sa malaking dagok sa kalagitnaan ng taon.

Ani Heart, nagpapasalamat siya sa joys and pains na ibinigay sa kanya ng 2018.

“As I look back at the year that has passed, all I can say is that I am thankful for all the joys and the pains that have made me who I am today,” ang bahagi ng post ni Heart.

Dagdag pa niya, ang kanyang kasuotan sa larawan ay sumisimbolo ng kanyang katatagan at kaligayahan sa kasalukuyan.

“I’m wearing a T-shirt from my #LMxKamiseta collection. I sketched a broken heart that is now stitched together to symbolize how I have grown to become stronger, more resilient, and happier than ever!” saad pa ni Heart.

GMA countdown, tambak ang performers

Sasalubungin ng GMA network ang 2019 sa pamamagitan ng musical-variety themed New Year Countdown special at the SM Mall of Asia (MOA) Seaside Boulevard this Monday (December 31).

Panoorin ang inyong mga paboritong Kapuso stars sa isang gabing punong puno ng musika at kasiyahan as they close 2018 with amazing treats and spectacular performances na iho-host nina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, Joyce Pring, Arra San Agustin at Pambansang Bae Alden Richards.

Magsisimula ang countdown special on air at 10:30.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with