^

Pang Movies

Miriam makaka-birthday ang magiging anak!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Miriam makaka-birthday ang magiging anak!
Miriam Quiambao

Pag nagkataon at sinuwerte, baka maging magka-birthday pa ang former beauty queen na si Miriam Quiambao at ang magiging unang anak nila ng asawang si Ardy Roberto.

Forty three years old na si Miriam at ang kanyang magiging unang anak ay lalaki.

August last year when Miriam’s obstetrician declared na buntis siya, kaya sometime in May next year siya manganganak. Ang birthday ni Miriam ay May 20.

Si Ardy ang second husband ni Miriam, dahil una siyang ikinasal noon sa Italian businessman na si Claudio Rodinelli in 2006. Two years lang nagtagal ang kanilang pagsasama.

It was in 2014 that she married Ardy na may isa nang anak na lalaki with his previous marriage. Parang mag-ina ang treatment nila ng anak ni Ardy.

Kung hindi pa raw nabuntis si Miriam, balak sana niyang sumailalim na sa In vitro fertilization (IVF) with Ardy’s approval.

Nag-suggest si Ardy na magpa-test siya dahil may kakaiba na siyang nararamdaman and voila, she discovered she is pregnant.

Ang Pasko raw na ito ngayon ang maituturing nilang mag-asawa na pinakamasaya sa lahat.

Next year, they look forward to an even exciting Christmas celebration, with of course the addition of a new baby.

Have a safe delivery, Miriam.

Karla parang hindi na-heart broken ang hitsura

Hulaan mo Salve A., kung ano ang pagkakapareho nina Karla Estrada, ang newly wed na si Iza Calzado, Amy Perez, at Vice Ganda?

Well, they all have Dra. Vicky Belo’s famous clinic for the source of their good looks.

No wonder, ayon sa kanyang anak na si Daniel Padilla, kahit na-heart broken ang kanyang Mama, she looks her best sa kanyang talk show, Magandang Buhay,  with Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Sana nga, tulad ng madalas ikantiyaw ni Melai kay Karla, magbawas si Karla ng timbang. She is only in her 40s.

Direk Joel relate sa RAinbow’s Sunset

Isang revelation ang sinabi ng direktor ng pelikulang Rainbow’s Sunset na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na si Joel Lamangan nang ma-interview ito sa presscon ng nasabing pelikula.

Hindi raw alam ni Direk Joel na siya ay isa na palang beki, not until he had a relationship daw with a man na married. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon, though.

Well, more or less, ganito rin ang kuwento ng Rainbow’s Sunset na tungkol sa two guys na ‘nagladlad’ ng kanilang kasarian kung kailan sila’y parehong matanda na at pareho nang pamilyado.

Mula ito sa production of Heaven’s Best Entertainment, owned by Harlene Bautista, maganda ang feedback about the movie. Although, duda ang mga showbiz insider na makakasama ito sa three top grossers.

As it is, mentioned na ang mga pelikulang tumatabo sa takilya, ito ay ang Fantastica, Jack Em Popoy: The Puliscredibles and runners up daw ang Mary, Marry Me and Aurora.

Andeng magpapaka-active next year

Bukod pala sa kinailangang mai-confine muli sa ospital ang Daddy niyang si former action star at Senator Ramon Revilla, Sr., medyo sumama rin daw ang pakiramdam ni Andeng Ynares, kaya raw ‘di siya naging very visible noong nakaraang Pasko.

But ngayon daw na both she and her Dad are up and about, expect them to be bit active this New Year. Lalo pa nga at like all Filipinos, their family look forward to a better, bigger and blessed New Year.

The Revilla’s consider their biggest blessing this year ang pag-proclaimed na walang sala si Senator Bong Revilla na halos four years ding nagdusa sa Custodial Center ng PNP sa diumano’y salang plunder case.

Both Sen. Bong and Andeng are running for the May 2019 elections. Senator Bong for Senator anew and Andeng as Antipolo City Mayor.

To the both of them, good luck.

vuukle comment

MIRIAM QUIAMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with