Tatlong pelikula sobrang hina sa takilya
Ang pangunguna sa takilya ng Fantastica Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films.
Tuwang-tuwa si Vice Ganda sa figures sa box-office ng Fantastica, pero bawal daw sabihin.
May tatlo naman daw na MMFF 2018 official entries na sobrang hina raw sa takilya.
Ogie, Regine, at Michelle may bonding sa Japan!
Kahapon umalis pa-Tokyo, Japan sina Ogie, Regine, Nate, Leila, Sarah Alcasid kasama ang mag-asawang Mark at Michelle van Eimeren-Murrow.
Wala raw yayang kasama dahil sina Ogie at Regine na ang nag-aalaga kay Nate.
Sa December 31 ang balik ng bansa ng grupo ni Ogie.
Wala raw countdown to 2019 show ang mag-asawa, kaya silang magpapamilya ang magkakasamang sasalubong sa New Year!
Congresswoman Imelda Marcos pinagkaguluhan
Pinagkaguluhan si Congresswoman Imelda Romualdez-Marcos sa The Peninsula Manila noong Christmas.
In fairness, maraming nandoroon ang starstrucked sa former First Lady.
May mga nagpa-picture pa sa nanay nina Imee at Bongbong Marcos.
Sabi nga ng kasama ko that time, “Imelda Marcos is Imelda Marcos!”
Rico hinahanap-hanap ng mga kasama
Ang Hitmakers & Ai post-Valentine concert nina Rey Valera, Marco Sison, Hajji Alejandro at AiAi delas Alas sa Newport Performing Arts Theater on February 15.
Dapat ay sa February 13 ‘yon na birthday mismo ng yumaong singer na si Rico J. Puno. Kung hindi namatay si Rico, kasama sana ito sa concert na ‘yon.
“Nakaka-miss nga si Kuya Rico,” sabi ni Anna.
Sabi pa ni Anna, may special tribute sila kay Rico sa nasabing concert.
Masu-surprise raw ang mga manonood sa gagawin nina Rey, Marco at Hajji.
“Sa gagawin namin na tribute kay Kuya Rico, parang mapi-feel ng audience na nandoroon siya,” sabi pa ni Anna.
Samantala, si Anna rin ang producer ng Valentine concert nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa PICC, ang Timeless Classics.
- Latest