^

Pang Movies

Catriona pinagbintangang nagpa-retoke!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Catriona pinagbintangang nagpa-retoke!
Catriona Gray

Nakakaintriga yung balita na muntik nang bawiin kay Catriona Gray ang kanyang Miss Universe 2018 title dahil lamang pinagbintangan siyang sumailalim sa isang beauty enhancemant bago siyang sumagupa sa finals ng prestihiyosong beauty pa­geant.

Inakusahan siya ng pandaraya sa pamamagitan ng botox na tahasan niyang itinanggi pero, sinabing gumamit siya ng skin revitalizer para maibalik agad ang kinang ng kanyang balat na bunga ng labis na pagpupuyat.

Namahagi pa siya ng sample ng produkto na kanyang gina­ga­mit na agad agad ay nagpa-energize at nagpa-perk up ng skin ng mga miyembro ng board of directors na nag-iimbestiga sa kanya.

Sa huli, napatunayan niyang wala siyang ginawang pandaraya at nanalo siya sa paligsahan ng fair and square.

Raymond tumiwalag na sa pagiging Kapamilya

Iniwan na ni Raymond Bagatsing ang ABS-CBN para sa GMA. Hindi naman matatagalan ang kanyang paghihintay para mabigyan ng proyekto sa bago niyang network. Kasama na agad siya sa serye nina Kylie Padilla at Ruru Madrid na Toda One I Love.

Marami ang curious kung nagsikip na ba ang mundo nila ni Raymond sa Kapamilya network kung kaya nag-decide siyang lumipat na lamang. Hindi naman siya mababakante dahil magaling naman siyang artista at professional.

Inigo at Maris orig choilce sa Fantastica

Sina Inigo Pascual at Maris Racal pala ang ori­ginal choice para makasama sa Fantastica movie ni Vice Ganda. Hindi umubra ang sked ni Inigo kaya napalitan sila nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin. Nadamay lamang si Maris na bukas ang schedule dahil loveteam ang kailangan.

Swerte ng DonKiss dahil mas pinalalakas ng movie ang kanilang loveteam.

Share your blessings…

It’s the day after Christmas. I’m sure may Christmas fever pa rin tayong lahat, maski na inulan ang Pasko natin. Masaya lang na malaman at makita na maraming Pinoy ang naka-afford ng Pasko.

Malas lang ng mga hindi nabiyayaan ng mara­ming may mabuting puso. Marami akong kaibigan at kakilala who went out of their way para i-share ang blessings nila sa maraming nangangailangan. May isang nangatok ng mga nakatira sa kariton para mabigyan sila ng niluto niyang pansit at tinapay. May isa namang ipinamili ng fried chicken ang isang mag-asawang nagtitinda ng kandila sa bangketa. May susi na sila sa langit, ayaw ba nating gayahin sila? Isang linggo pa ang Pasko.

Merry Christmas.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with