^

Pang Movies

Horror entries inaasahang makakaagaw ng manonood

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Horror entries inaasahang makakaagaw ng manonood

Sino kaya ang naging top grosser sa opening day kahapon ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF)? Ang Christmas Day kasi ang sinasabing ‘araw ng mga bata’ para makapanood dahil pwede silang samahan ng parents o guardians nila dahil walang pasok sa trabaho.     

Dalawa ang pambatang movie, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles (JEP) na bida sina comedian-host Vic Sotto, phenomenal star Maine Mendoza at ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin. Ang Fantastica naman ang pinagbibidahan nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Pero laging nakakaagaw ng mano­nood ang suspense-thriller, horror movies, na dalawa rin ang entries ngayon, ang Aurora ni Anne Curtis at ang OTLUM nina Ricci Rivero at Jerome Ponce. Nariyan din naman ang Rainbow’s Sunset na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at ang mga Graded B movies like One Great Love, The Girl in the Orange Dress, Mary, Marry Me.

Kahapon, nagsimula na rin ang mga block screenings ng AlDub Nation fans at mga fans ni Maine ganundin ng mga fans ni Coco.  Kasama ito sa first day gross ng movie.  Ia-announce naman kaya ito ng MMFF 2018?

Parada hindi pa tapos pag-usapan

Naimbyerna ang isang friend namin na AlDub fan na bumayad daw siya ng thirty pesos para makapanood sa TV Plus, ng coverage ng parade of stars sa Channel 2.  Bakit daw ganoon, tumutok siya mula umpisa ng coverage, puro Fantastica float lamang ang laging naka-focus, naipakita rin daw naman ang ibang floats, pero ang float ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, hindi ipinakita kahit minsan.

Kaya bumaling na lamang siya sa social media, mas mabuti pa raw ang coverage ng mga fans, dahil may video at sound din at dinig niya ang tilian ng mga taong nanood ng parada.

Best float, dapat hatiin sa walo

May suggestion naman ang mga netizens sa Executive Committee ng MMFF 2018, na dapat daw ay hatiin na lamang sa eight movies ang cash prize ng Best Float sa mga lumahok na floats ng mga pelikula sa Parade of Stars, na ipagkakaloob sa Gawad Parangal ng MMFF.

Kasi nga raw ginastusan naman ng mga producer ang kanilang float, pero nabalaho lamang sila kaya hindi maiwasang may masira nang iangat na ito. Bakit daw hindi iyon na-foresee ng mga namahala sa parada, ang City of Parañaque, na lalambot ang lupa dahil magdamag na umulan noong December 22.

Sabi nga nila: “unfair naman sa mga producer na gumastos nang malaki.”

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with