^

Pang Movies

Heart ‘di pa alam kung paano mag-judge!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heart �di pa alam kung paano mag-judge!
Heart Evangelista-Escudero

Sa pagpapa-manage ni Heart Evangelista-Escudero sa GMA Artist Center, ang isa sa sisimulan niyang project para sa 2019 ay ang pag-upo bilang judge sa pagbabalik ng reality artista-search na Starstruck.

Excited na nga raw si Heart dahil first time siyang magiging judge sa isang reality talent search.

“I will be doing a show with GMA next year, definitely for Starstruck.

“I will be one of the judges and that’s nice kasi I always wanted to be that… Yes, it’s my first time, sa pagbabalik ng Starstruck after two years.

“Hindi ko lang alam paano ko sasabihin, ‘I’m sorry it’s a no.’ I don’t know how, but I’m very excited for that,” ngiti pa niya.

Bilang judge, ang hanap ni Heart ay isang contestant na may tinatawag na X factor.

“You know wala siyang specific quality, it’s either you have it or you don’t.

“That’s for me, yes definitely, that’s the X Factor but there’s a spark about somebody.

“It’s not about how you look, it’s not about how great of a singer you are, there’s just something about who you are that makes you different.

“I think that’s something I want to look for.

“So kahit shy sila you’ll know, even if they don’t do their best sa audition you’ll just know that this person was meant to do great things, so’yun si­guro ‘yung hahanapin ko,” pagtapos pa ni Heart.

Rita sa sementeryo nagse-celebrate ng Pasko

Tuwing sasapit ang Pasko, sa sementeryo raw nagse-celebrate ang Kapuso singer at kontrabida sa teleserye ng My Special Tatay na si Rita Da­niela kasama ang kanyang buong pamilya.

Sumakabilang-buhay kasi ang ama ni Rita na si Red Valdez noong December 21, 2015 ilang araw pagkatapos itong magpa-heart bypass.

Every year din daw tino-throwback ni Rita ang huling photo nila ng kanyang ama bago ito pumanaw.

“My last picture with Papa. Trying out my new phone this was taken December 16, 2015 at 8:55pm. I know you are the happiest now up there. I love you every day. Ngayon pa lang nami-miss na kita pero alam ko nanjan ka lang para sa amin. I miss you our guardian angel. #RedValdez”

Kahit na tatlong taon na ang nakaraan, masakit pa rin para kay Rita ang mawalan ng ama, lalo lang daw nadaragdagan ang lungkot niya tuwing sasapit ang Pasko.

“Kaya kapag palapit na ang Christmas, hindi puwedeng hindi kami malungkot kasi bumabalik ‘yung mga memories ni Papa.

“Christmas eve noon ay nasa funeraria kami. Christmas Day noong nilibing na si Papa. Kaya sa memorial park kami nag-celebrate ng mga kapatid ko ng Pasko.

“Tinuring namin iyong day na iyon na para kay Papa. We celebrate his life every Christmas simula noon,” emote pa ni Rita.

Malaki ang pasasalamat ni Rita sa kanyang yumaong ama dahil ito raw parati ang nagpu-push sa kanya na maging magaling sa pinasok niyang career.

“Since sumali at nanalo ako sa Popstar Kids, nandyan si Papa para suportahan ang mga pangarap ko.

“Ngayon at nakikilala na akong kontrabida, how I wish na buhay pa siya para mapanood niya ako.

“But I know, si Papa ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako. Saan man siya ngayon, he is always guiding me kaya I always pray for him, thanking him sa nangyayari sa career ko ngayon,” pagtapos pa ni Rita Daniela.

Madonna inaalala kung bakit naghubad sa pictures

Nag-viral ang pinost na black and white throwback nude photograph ng pop superstar na si Madonna sa Instagram.

Pinost ng singer ang ginawa niyang ito para i-celebrate ang “nudity as an art form.”

Hindi ikinakahiya ni Madonna ang pag-post niya ng nude sa mga art classes when she was 19-years old sa New York City. Para matustusan ang pag-aaral niya sa Martha Graham School of Dance at may pambayad siya sa inuupahang apartment, pumayag si Madonna na gawin ang trabahong ito.

Pero noong sumikat si Madonna noong 1983, pinagkakitaan ng photographer ang mga nude photos ng singer at binenta ito sa Playboy at Penthouse.

Heto ang post ni Madonna:

“I am 19. Living in NYC. A student at Martha Graham School of Dance. I modeled For Art Schools around the city to pay the rent. Painting, Drawing and Photography classes. Many of these photos were sold to Playboy and Penthouse when I became famous. The Photographer’s. Exploited Me and then the Patriarchy tried to Shame me for Being Naked. I told the Press “i Was Not Ashamed” and this became headline news. And this turned into A collaboration between Warhol and Haring! . I am the proud owner of 4 of these paintings. Given to me later. as a wedding gift. . You cannot stop Art by trying to Shame it. Creation always wins.  #lifeisacircle #art #dance #music#life #creation”

Umani ng paghanga si Madonna mula sa 12.7 million followers niya sa Instagram at 2.3 followers on Twitter.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA-ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with