^

Pang Movies

Empoy hinihintay ng mga inaanak!

Vir Gonzales - Pang-masa
Empoy hinihintay ng mga inaanak!
Empoy Marquez

MANILA, Philippines — Tiyak daw na dudumugin si Empoy Marquez ng kanyang mga inaanak ngayong Pasko dahil nag-level up na ang katayuan niya sa buhay ngayon.

Masaya si Empoy para sa kanyang bayan sa Baliwag, Bulacan dahil kahit papaano ay unti-unti na rin itong nakakahabol pagdating sa pam-Paskong dekorasyon.

Umuulan ng mga biyaya sa simbahan ng Baliwag tuwing Simbang Gabi, marami kasi ang nag-aalay dito o nagdo-donate, at ang mga nalilikom nilang pagkain at pera ay ginagamit at pinamimigay sa mahihirap na pamilya bilang pamasko.

Sana ay tularan ng ibang simbahan ang simbahan ng Baliwag para mas dumami pa ang mga taong matulungan.

Ang Probinsyano parang panahon ng Sampaguita

Marami na ang nakakapansin sa pagbabago ng takbo ng istorya ng serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano na mahigit apat na taon nang umeere. Nagiging marahas na raw kasi ang mga eksena, at kung minsan naman daw ay masyado itong madrama.

Ikinukumpara ang style ng nasabing serye ngayon sa dating mga palabas ng Sampaguita Pictures, katulad na lamang daw ng panliligaw ni Lito Lapid kay Angel Aquino at ang pagbubulungan nina John Prats at Bianca Manalo.

Ikinabahala naman ng ilang manonood ang ginawang panggagahasa ni Joross Gamboa at pagbaril sa isang babae ng harap-harapan. Masyado kasi itong brutal para sa iba, lalo na at mga bata ang majority ng mga nanonood sa kanila.

 Maine gustong magkaroon ng portrait

Sa sobrang sikat ni Maine Mendoza, kaliwa’t kanan na ang kanyang mga larawan sa social media, kaya naman may hiling ang phenomenal star na kung puwede sana ay merong gumawa sa kanya ng portrait o ‘di kaya naman ay may mag-fan art sa kanya gamit ang pagpipinta o ‘di kaya naman ay sketching.

Sabagay, ang mga larawan sa internet ay nabubura at nawawala, pero ang painting ay puwede mong ipang-display sa inyong bahay, dingding, o cabinet.

Para kay Maine, siguro ay idi-display niya ito sa kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan.

Samantala, ngayong araw na uumpisahan ang pagpapalabas ng walong pelikula sa mga sinehan na entries sa Metro Manila Film Festival 2018, at inaasahang tatabo sa takilya ang pelikula nila na Jack Em Popoy: The Puliscredibleskasama si Vic Sotto at Coco Martin.

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings sa mga December born personalities:Ex-Mayor Alfredo Lim, Ex-Senator Nikki Coseteng, Brenda Del Rio, Alice Cabahug, Beth Jones (nanay ni Angelica Jones) Arnold Esguerra, at Escolta Boy.          

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with