^

Pang Movies

Jose Mari, isinama ang anak sa concert

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jose Mari, isinama ang anak sa concert
Jose Mari Chan

Ang finale song ni Jose Mari Chan kasama ang mga anak na sina Liza, Jose Antonio, Franco at Michael Philip sa Going Home to Christmas concert sa The Theater ng Solaire Resort & Casino noong Saturday night.

Katulad ni Jose Mari na tinatawag na King of Christmas songs ay ang galing-galing ding kumanta ng kanyang mga anak.

Maaga nga palang nagsimula ang concert at almost three hours din ‘yon, kaya sulit ang ibinayad ng mga nanood.

Si Dra. Rhoda Espino ang nag-produce ng ­Going Home to Christmas at si Anna Puno naman ng StarMedia Entertainment, Inc. ang namahala sa production.

Cain at Abel may trabaho agad

Ang Christmas party ng Cain at Abel cast, staff and crew noong Saturday night sa isang events place sa may St. Ignatius, Katipunan Avenue, Quezon City.

In fairness, complete ang cast kahit nga bising-busy na ang lahat, pero tapos na ang party nang dumating sina Ervic Vijandre at Renz Fernandez.

Sa ngayon, inaayos pa raw ang schedules ng lahat at may two taping days pa sila after ng Christmas and before New Year, kaya hindi muna magbabakasyon ang mga artista ng Cain at Abel.

No choice naman daw ang mga artista ng nasabing series dahil hindi sila masyadong nakapag-advance.

Ang two leads nga pala ng series ay parehong may Metro Manila Film Festival 2018 movie entry.

Si Dingdong Dantes ay may Fantastica with Vice Ganda and Richard Gutierrez at may One Great Love naman si Dennis Trillo with Kim Chiu.

MMFF mahigpit kahit sa mga artista

Speaking of MMFF 2018, kahit sa mga artistang kasali sa parade kahapon ay naging mahigpit.

Ang car pass nga, pinamili pa sila kung sa start point (Santana Row) or sa end point (Aseana) ba.

So ang mga artistang sumakay sa float ng kanilang pelikula ay nagpa-drop off na lang sa may Santana Row (sa may Sucat, Parañaque) at naghintay na lang ang mga sasakyan nila sa Aseana na siyang pinaka-ending ng MMFF 2018 Parade kahapon.

Sabi ng cast ng Fantastika, like Richard, nakakapagod, pero masaya naman daw makita ang mga taong nag-abang sa kanila sa parade kahit pa nga inulan ‘yon.

Actually, ang float ng Fantastica ang unang nakapag-parade dahil hindi nabalahaw sa putik. Ang pitong iba pa kasi ay nagka-problem sa pag-alis sa starting point.

Siyempre, nabasa ng ulan ang mga artistang sumama sa parade.

Samantala, bukas naman, kahit Christmas, ang alam ko, may theater tour ang cast ng Fantastica at kasama sina Vice at Richard sa mga nag-yes sa promo team ng Star Cinema (co-producer ang Viva Films, pero ang movie department ng ABS-CBN ang namamahala ng promotions).

Nora bumalik na rin sa pagiging generous

Ilang fans lang ang nagpapalaki ng issue sa hindi pag-attend ni Nora Aunor sa kasal ng panganay niyang anak na si Lotlot de Leon noong December 17.

Pero isang kasama sa nasabing kasalan ang nagsabing huwag na lang gawin pang issue ‘yon para tahimik na ang lahat ngayong Christmas.

Ayaw na raw nila ng bad vibes, kaya sana raw ay patahimikin na ng iba sina Nora at Lotlot.

Samantala, masaya naman ang mga fan ng Superstar sa balitang medyo matagal pa ang airing ng Onanay, ang primetime series na kasama si Nora.

Isang production staff ng Onanay ang nakatsikahan ko at puring-puri ang pagiging professional ni Nora kapag nasa set.

Tama ba ang narinig ko na balik din daw ang pagiging generous ni Nora sa mga kasama niya sa Onanay?!

vuukle comment

JOSE MARI CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with