^

Pang Movies

Jericho pinanindigan na ayaw pang magkaanak

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jericho pinanindigan na ayaw pang magkaanak
Jericho

Hiling ng mga kaibigan ni Jericho Rosales para sa kanya ngayong Pasko ay ang magkaroon na sila ng anak ng kanyang asawa na si Kim Jones.

Three years na rin yata mula nang sila ay ikasal. Oras na nga naman na para magkaroon sila ng panganay.

We all know na si Echo ay may 18-year-old son na si Santino Rosales sa kanyang former non-showbiz partner. Kamukhang-kamukha niya ito at mas matangkad pa ito sa kanya.

Kung si Echo ay hilig ang pag-arte, wala naman itong ba­lak sundan ng kanyang anak. More on sports kasi si Santino.

Considered one of the few best actors of his generation, hinahangaan ngayon si Echo dahil sa kanyang ginagampanang role bilang si Lino sa trending series na Halik, kung saan hayagan siyang ‘tinotorotot’ ng kanyang asawa na si Yam Concepcion.

Bukod sa Halik, bida rin siya ngayon sa pelikulang The Girl In The Orange Dress with Jessy Mendiola na entry sa Metro Manila Film Festival 2018. Si Jay Abella ang nagdirek ng nasabing pelikula under the productions of Quantum Films at MJM Productions.

By the way, may special role ang boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano sa The Girl In The Orange Dress.

Style ng mga Korean, pilit kinokopya ng mga Pinoy!

Kung ano ang uso sa Korea ay ganun din ang uso dito sa atin sa Pilipinas.

Marami na rin ang nababaliw na celebrities sa kultura ng Korea, mapa-oldies man o millenials.

Well, sa Korea, uso sa kanila ang make up. Hindi ka in sa kanila kapag hindi ka naka-make up, kahit na ang mga male millennial sa kanila ay ganun din.

Kailan kaya nila ito titigilang gayahin? How soon?

Kailangan pa bang itanong ‘yan?

Rayver, Janine, at mga kapatid, tumulak na agad pa-U.S.!

Pagkatapos ng kasal ni Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese husband na si Fadi El Soury noong December 17, umalis na agad ang apat niyang anak na sina Janine, Jessica, Ma­xine at Diego Gutierrez pa-U.S. para sa Christmas at New year vacation nila ng kanilang tatay na si Ramon Christopher.

Kasama rin nina Janine ang boyfriend nitong si Rayver Cruz na dating Kapamilya at ngayon ay solid Kapuso na rin. Best man din siya sa kasal ni Lotlot.

Touching ang nasabing ceremony dahil hindi lang si Diego ang naghatid kay Lotlot sa harap ng altar, kung hindi pati na rin ang adopted dad niyang si Christopher de Leon.

Tumayo namang ninang ang asawa ni Boyet (Christopher) na si Sandy Andolong. Kasama rin nila sa event ang kanilang mga anak.

In full force rin na dumalo ang adopted siblings ni Lotlot na sina Ian, Kenneth, Kiko at Matet. Ganunpaman, hindi nakadalo sa kasal ang kanilang adopted mom na si Nora Aunor.

Of Guy, hindi niya na in-explain kung bakit wala siya sa kasal ng anak. As Lotlot said, wala raw ginawang pagkukulang si Guy sa kanya bilang ina. Especially, when she was growing up.

She was only two when someone entrusted her to Guy’s late Mom, Mamay Tunying. Nang pakasalan ni Guy si Boyet (they are now annulled), inako nito ang responsibilidad sa kanilang magkakapatid at ibi­nigay ang apelyidong De Leon.

Later, with the help of Lotlot’s former mother in-law, song star Pilita Corales, na-meet ni Lotlot ang kanyang biological parents na sina Eva Rodriguez at Donald Olson.

 

vuukle comment

JERICHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with