^

Pang Movies

Nanay ni Sarah mabuti na ang lagay

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Nanay ni Sarah mabuti na ang lagay

Bukod kay Bisaya, dinatnan ko rin sa hospital room ni Tita Esther sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na kasama ang mga anak nila na sina Zion at Baby Kai.

 

Nandoroon din sina Tito Eddie Gutierrez kasama ang mga apong sina Aria at Ezra.

Nag-aasikaso rin kay Tita Esther ang mister na si Abdel Lahbati.

Masaya na ang mga tao sa loob ng hospital room dahil ok na nga si Tita Esther at biniro ko pa siya kung tuloy ba ang “honeymoon” nila ng kanyang mister sa Korea at Japan.

Sabi naman ni Sarah, “Hindi pa sure kung papayagan siya ng doctors kasi kapag tumatayo si Mommy, bumababa ang oxygen niya,” sabi ni Sarah.

Sabi naman ni Tita Esther, sobrang thankful siya at nakaligtas nga siya mula sa pagkakalunod sa Siargao.

“Parang gusto ko na hindi na tumuloy sa Korea at mag-Japan. Hindi pa ako sure talaga,” sabi ni Tita Esther.

Sobrang thankful nga pala si Sarah sa lahat ng mga tumulong sa kanyang nanay nang malunod ito sa Siargao.

Bong dumalaw sa hospital

Alam mo, Ateng Salve, bigla kong naalala ang kantang It’s A Small World After All nang makita na naman namin ni Annabelle Rama si former Senator Bong Revilla sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City yesterday afternoon.

Eh, kahapon lang kasi ng madaling araw ay nakita rin namin ang mister ni Mayor Lani Mercado sa The Peninsula Manila.

Dumalaw kami ni Bisaya kay Esther Lahbati samantalang dinalaw naman ni Bong ang isa niyang kapatid na naka-confine sa nasabing hospital.

Marco guwapo pa rin kahit paitimin

Kahit sinasabi ni Marco Gumabao na pinaitim at pinagmukha siyang kawawa sa pelikulang Aurora, marami pa rin naman sa mga nakapanood ng premiere night ng pelikula nila ni Anne Curtis ang nagsabing ang guwapo pa rin ng ABS-CBN hunk sa nasabing pelikula. Ma­ra­mi sa mga nanood ng premiere night ng Aurora ang nagsabing maganda ito at dapat panoorin.

Natuwa naman si Anne sa mga papuring na­rinig about Aurora.

Umaasa rin si Anne na tatangkilikin ito sa ta­kilya.

Nanood nga pala ang mister ni Anne na si Erwan Heussaff special screening na ginanap sa Ayala 30th Mall.

Gandang-ganda raw si Erwan sa Aurora.

 

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with