^

Pang Movies

Kapamilya hindi nasayang ang gastos sa Miss U

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Lalabas na pinaka-popular si Catriona Gray sa mga Pinay na nag-uwi ng korona ng Miss Universe. Talagang sinubaybayan ng mga kababayan niya ang kanyang journey sa pinaka-popular na international beauty pageant. Dati, umaasa lang tayo sa mga feedback ng ibang bansa sa nasabing paligsahan ng kagandahan pero, sa taong ito ay may mga ipinadala tayo para mag-cover ng event. Hindi nasayang ang gastos at effort ng ABS-CBN para maipapanood ng buong-buo ang Miss Universe pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand. Nakita ang ipinagmamalaki niyang lava walk at ang katalinuhan niya sa pagsagot sa Q&A. Mabuhay ka, Catriona.

 

Lani nakangiti na ang Pasko

Hindi maitago ni Bacoor Mayor Lani Mercado ang katotohanang magiging pinaka-masayang selebrasyon niya ng kapanganakan ni Hesus ang taong ito. Natapos na ang matagal na paghihintay nilang mag-anak sa paglaya ng ama ng tahanan nila na si Bong Revilla. For the first time, hindi umiyak si Lani sa ginawang pangangaroling sa kanya ng PMPC. Dati kasi ay iniiyakan niya kapag nakakarinig siya ng mga kantang Pamasko dahil miss na miss niya si Bong. Apat na taon itong wala sa pi­ling nila. Pero, ngayon ay nakangiti na siya at may sigla sa pagganap ng kanyang gawain bilang ina ng kanyang lungsod na kung saan ay tumatayo siya bilang nag-iisang babae na naging mayor at naging instrumental para magawang lungsod ang Bacoor na kasama rin si Bong sa proseso nang ito ay senador pa. Naging malaking tulong din ang kapatid ni Bong na si Strike Revilla sa Kongreso. 

Baka makatapos ang Kapaskuhan ay makapag- concentrate na sila sa mga unang gagawin ni Bong na ang pangunahin ay ang muling pagsabak nito sa pulitika. 

Mga kikita sa MMFF hulang-hula na

Ngayon pa lamang ay hinuhulaan na kung aling movie ang papatok sa MMFF 2018. Bagaman at hinuhulaan na magiging mahigpit na magkalaban sa takilya ang Jack Em Popoy at Fantastica, malaki rin ang pag-asa ng mga gumawa ng horror films na Aurora at Otlum. Napaka-lakas naman ng promo at ayaw magpatalo ng Rainbow’s Sunset, Mary Marry Me, The Girl in the Orange Dressat The Great Love. 

Bakit kaya sa takilya lang nakatuon ang pansin ng lahat at hindi sa kung aling pelikula ang pinakamaganda ang istorya at ang pinakamahusay na artista. Kayo, ano ang unang movie na pano­noorin n’yo?

 

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with