^

Pang Movies

Pacquiao nagpa-raffle ng P1-M, mga kotse at 40 motorsiklo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tulad ng kanyang nakasanayan, nag-celebrate ng kaarawan si Senator Manny Pacquiao sa General Santos City noong Lunes, December 17.

 

Siyempre, mga sikat na personalidad ang mga invited guest sa 40th birthday ni Papa Manny.

Pinangunahan ni President Rodrigo Duterte at ng ibang mga government official ang personal na pagbati kay Papa Manny ng happy birthday.

Well-attended ang party na naging bongga dahil nagpa-raffle si Papa Manny ng 1 milllion cash, apat na brand new cars at forty motorcycles dahil 40-years old na siya. Masyado nang masakit sa bulsa kung apatnapu ang sasakyan na ipapa-raffle niya.

Good health at mag-win siya sa laban nila ng American boxer na si Adrien Broner sa January 19, 2019 ang mga birthday wish ko para kay Papa Manny na hindi pa handa na pagpahingahin ang kanyang boxing gloves.

Starstruck iniiwas sa impostor

Ibabalik ng GMA-7 sa 2019 ang Starstruck, ang reality-based artista search para sa aspiring actors.

Hindi nawawala ang mga impostor na nanloloko ng mga kabataan na matindi ang pangarap na ma­ging artista kaya may paalaala ang Kapuso Network management sa mga nagbabalak na sumali sa auditions ng Startsruck, manggagaling lamang sa kanila ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa talent search.

“To All Starstruck Aspirants: Lahat po ng au­dition information ay manggagaling lamang sa OFFICIAL accounts ng StarStruck (@StarStruckGMA on Facebook, Twitter, and Instagram). ‘Wag pong paniwalaan kung hindi po sa amin nanggaling ang info. Salamat,” ang gentle reminder ng GMA-7 management sa lahat ng mga nagnanais na mag-join sa Starstruck para maiwasan ang mga anomalya at panloloko sa mga inosente na biktima.

Sunshine di pa handang isabak sa showbiz ang anak

Kung si Sunshine Dizon ang tatanungin, ayaw niya muna na pag-artistahin ang kanyang anak na si Doreen na bagets pa lang pero nagpapakita na ng interes sa showbiz.

Gusto ni Sunshine na mag-focus muna sa pag-aaral ang kanyang panganay na anak na posible na payagan niya na mag-artista kung summer vacation.

Hindi nakapagtataka na type din ni Doreen na umarte dahil nagmana siya sa nanay niya. Three years old si Sunshine nang magsimula ang showbiz career nito bilang child star at noong panahon na ‘yon, laro lamang para sa kanya ang pag-arte.

Mapapanood si Sunshine sa co­ming soon afternoon drama series ng GMA-7, ang Inagaw Na Bituin at starring din siya sa Rainbow’s Sunset, ang official entry ng Heaven’s Best Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2018.

Bong binabalik-balikan ang paboritong pagkain

Not once but twice na pala na nagpupunta si Bong Revilla, Jr. sa Annabel’s, ang favorite restaurant niya sa Quezon City.

Touched na touched ang staff ng Annabel’s sa pagbisita ni Bong sa kanila.

Tuwang-tuwa naman ang mga waiter sa sinabi ni Bong sa kanila na “Hinding-hindi ko kaya makakalimutan.”

May soft spot sa puso ni Bong ang Annabel’s kaya ito ang favorite venue niya para sa kanyang mga presscon noong bago siya ma-detain sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Kilalang-kilala na si Bong ng mga waiter ng Annabel’s kaya memorized na nila ang mga paboritong pagkain ng isa sa kanilang mga most valued client.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with