^

Pang Movies

Vice parang nag-cover ng Miss U!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Isa si Vice Ganda sa nakita naming talagang tuwang-tuwa sa pagkakapanalo ni Catriona Gray kahapon sa Miss Universe 2018 pageant held in Bangkok, Thailand.

 

Panay ang post niya sa Twitter ng mga kaganapan sa Miss U pageant at para siyang may coverage ng event.

Kinagabihan pa lang ng Sunday ay nag-tweet na si Vice at aniya, “Walang baklang rarampa ngayong gabi dahil maaga ang Miss Universe bukas.”

Sunud-sunod ang tweets ni Vice kahapon habang nanonood ng Miss U at ang dami niyang review sa mga kandidata.

Sa tuwing makakapasok sa mga “top finalists” si Catriona ay tuwang-tuwa siya.

Isa sa tweets niya, “Parang bumaba ang energy ni Catriona. Alam kong pagod ka na girl pero kapit lang. Konting utot na lng kokoronahan ka na. Eyes on the prize!!!”

Natawa naman kami sa tweet niya tungkol kay Miss Thailand. “Si Thailand habang tumatagal nagiging Mocha Uson,” ani Vice. Hahaha!

Nang pumasok sa Top 5 si Catriona ay nag-tweet siya ng “atin na to damang dama ko.”

At sa It’s Showtime kahapon, “live” na binati ni Vice si Catriona for making all the Filipinos proud.

“Dati kapag Miss Universe mga bakla lang ang masaya; ngayon, nakakatuwa buong Pilipinas ay masayang masaya, tutok na tutok. Kapag hindi ka nakatutok sa Miss Universe parang walang saysay ang buhay mo. Lahat. Mapababae at mapalalaki, ay nagchi-cheer kay Catriona at tumalon at sumigaw nung nananalo na siya,” ani Vice.

“Napakagaling mo. You made all of us very proud at ang saya-sayang sabihin ngayon na I’m Filipino,” dagdag pa ng Unkabogable Star.

Ken asking sa silver lining!

Naaliw din kami sa Instagram post kahapon ni Ken Chan sa gitna ng pagbubunyi ng lahat sa pagkakapanalo ni Catriona sa Miss U 2018. Nag-upload ng short video ang Kapuso actor na kino-congratulate ang ating kandidata na ala-Boyet, ang character niya sa seryeng My Special Tatay.

“Kongratuleysyon sayo @catriona_gray ah, ikaw na ang bago na Mis Unibers eh  May tanong lang ako sayo ah? #MissUniverse2018#MySpecialTatay,” ang caption ni Ken.

Sa video ay makikitang matapos niyang i-congratulate si Catriona ay tinanong niya kung ano raw ang ibig sabihin ng silver linings.

Ang “silver lining” ay ginamit ni Catriona sa kanyang sagot sa Q&A portion sa Top 3 finalists. 

Sharon bumigay ang katawan sa sobrang stress!

Sa kanyang Facebook account, nagpaliwanag si Sharon Cuneta kung bakit hindi siya nakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN. Ayon sa Megastar ay hindi kinaya ng katawan niya na kumanta dahil sa over-fatigue.

“Hi. I’m sorry I haven’t updated you in days. My body finally gave in to over-fatigue,& Kiko had to  text my boss Ms. Cory Vidanes to tell her I had been vomiting & had come down with the flu, & as a result I couldn’t sing at the ABS-CBN Christmas Special taping,” ang post ni Shawie.

At nagsimula na pala siya ng bago niyang pelikula wala pang isang linggo after Three Words to Forever opened in theaters.

Kaya nga raw nag-lose siya ng 7 lbs ulit nga­yon without event trying dahil sa sunod-sunod na trabaho dahil bukod sa shooting ay may album launch pa siya.

“Sa shooting madalas pag kainan na tinutulog ko na lang.  Worse, I would actually forget to eat all day,” pahayag pa ni Sharon.

“My team had to cancel lots of my previous commitments kasi bumagsak na talaga ako.  Milagro nga kailan lang bumigay my body sa pagod at stress,” dagdag pa niya.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with