^

Pang Movies

Aktres umalsa ang hitsura, hindi pulido ang pagkakagawa sa mukha!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi maayos ang pagkakagawa sa mukha ng isang aktres dahil umalsa ang kanyang hitsura at hindi ito nakaligtas sa mga mapanuri na mata ng mga bisita na nakahalubilo niya sa isang showbiz event.

 

Magang-maga ang magkabilang pisngi ng aktres kaya obvious na may dapat na ipagpasalamat siya sa doktor. Ang kaso, hindi pulido ang pagkakagawa sa face niya kaya halatang-halata na may ipinaayos siya.

Dalawang dalaga ni Janno, apektado sa scandal ng ama!

Kaloka naman iyong balita kay Janno Gibbs. Kung kailan dalaga na ang mga anak at para bang hindi mo paniniwalaan na magagawa ito ni Janno.

Siguro hindi alam ni Ronaldo Valdez kung ano ang gagawin at kung paano nagkaroon ng ganitong scandal si Janno, and how Bing Loyzaga will handle the situation.

But for sure, more than Ronaldo and Bing, mas malakas ang impact nito sa dalawang babaeng anak ni Janno.

But this also will just pass, midlife crisis siguro ni Janno, wala naman siyang sinaktang tao, hindi naman nakasakit, hindi lang naging maingat. Mabait si Janno at mahusay makisama, kung may mga ganitong pangyayari, palagpasin lang at babalik din sa dati.

Just pray na ma-overcome niya kung anuman mga demons na nasa loob niya na gumugulo sa utak niya. Let’s pray for Janno. 

Derek welcome na welcome pa rin sa GMA-7

Mismong si Derek Ramsay ang nagbigay ng hint tungkol sa pagpirma n­iya ng kontrata bilang bagong Kapuso star ng GMA-7.

Matagal nang pinag-uusapan ang pag-oober da bakod ni Derek sa Kapuso Network pero noong nakaraang linggo lamang natapos ang negosasyon.

Nagkaroon ng idea ang followers ni Derek tungkol sa career move nito dahil sa Instagram post niya na gagawa na siya ng importanteng desisyon na may kinalaman sa kanyang propesyon.

Welcome na welcome ang pagbabalik ni Derek sa GMA-7. Yes, pagbabalik dahil former co-host siya ng Eat Bulaga bago na­ging contract star ng ABS-CBN.

Kahit noong lumipat siya sa TV5, may soft spot sa puso ni Derek ang Eat Bulaga at ang GMA-7 dahil dito nga siya unang napanood.

Definitely, isang mainit na pagtanggap kay Derek ng Kapuso Network ang masasaksihan natin sa 2019.

Ricci basketball pa rin ang priority

Same age pala sina Danzel Fernandez at Ricci Rivero, ang mga aspiring actor na introducing sa Otlum, ang official entry ng Horseshoe Productions sa Metro Manila Film Festival 2018.

Dati nang magkakilala ang dalawa dahil pareho sila na mga estudyante ng De La Salle University bago lumipat sa UP at naging star basketball player si Ricci Rivero.

Naglalaro rin ng basketball si Danzel na may showbiz blood dahil siya ang eldest son ng mag-asawang Shiela Ysrael at Dan Fernandez.

Kahit artista na siya, ang paglalaro ng basketball ang priority ni Ricci samantalang seryoso si Danzel na sundan ang yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with