^

Pang Movies

Miss Universe 2018 umiwas sa sexual abuse/harassment!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

For the first time ay isang all-female panel of judges ang kinuha para sa 67th Miss Universe na magaganap bukas, December 17, sa Impact Arena in Bangkok, Thailand.

 

Sagot ito ng naturang prestigious beauty pageant bilang pagsuporta nila sa #MeToo Movement na tinatag para labanan ang sexual abuse and harassment.

Gusto rin sigurong umiwas ng Miss Universe sa mga akusasyon na sexual misconduct na puwedeng gawin ng male judges at sponsors tulad sa nangyari sa Miss Earth 2018. 

Ang mga kinuhang female judges ni Miss Universe Organization President Paula Shugart ay sina Bui Simon a.k.a. Porntip Nakhirunkanok: Miss Universe 1988 from Thailand and founder of Angel Wings Foundation; Janaye Ingram: founder of Women’s March Inc.; Michelle McLean-Bailey from Namibia: founder of Michelle McLean Children Trust and Miss Universe 1992; Iman Oubou, Moroccan-American entrepreneur and former beauty queen; and Lili Gil Valletta, co-founder and chief executive officer of CulturIntel and CIEN.

Uupo rin bilang judges ang dalawang Filipina: ang world-renowned bridal and fashion designer na si Monique Lhuillier at ang architect ang chairperson of LCS Group of Companies na nag-produced ng 65th Miss Universe sa Pilipinas na si Richelle Louise Singson-Michael. Ito ang unang pagkakataon na dalawang Pinay ang nasa panel of judges ng Miss Universe. 

Ang unang Filipino na naimbitahan na umupo as one of the judges of Miss Universe ay ang the late Foreign Affairs Secretary Carlos P. Romulo nang gawin ang Miss Universe sa Pilipinas in July 21, 1974.

Pangalawa ay ang Pinay fashion designer na si Josie Cruz Natori na naging judge sa Miss Universe 1989 in Cancun, Mexico.

Pangatlo ay ang Philippine Pop Diva na si Kuh Ledesma na umupo as judge for the Miss Universe pageant in Las Vegas, Nevada in 1991.

Pang-apat ang Tony Award-winning actress na si Lea Salonga na naging judge sa Miss Universe 2011 in Brazil.

Pang-lima ay si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na naging judge sa Miss Universe 2014 in Miami, Florida.

At pang-anim si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na umupong judge sa Miss Universe 2017 sa Las Vegas.

Miss USA nag-sorry sa pambu-bully

Tinatawag ngayon na isang ‘racist’, ‘bully’ at ‘mean girl’ ang Miss Universe USA candidate na si Sarah Summers dahil sa hindi magagandang sinasabi nito sa ilang candidates ng Miss Universe sa isang live video.

Naging target ni Miss USA sina Miss Cambodia Rern Sinat and Miss Vietnam H’Hen Nie dahil hindi sila marunong magsalita ng wikang ingles.

Kasama pa sa mean girl clique ni Miss USA sina Miss Colombia Valeria Morales at Miss Australia Francesca Hung

Sa isang live video, inookray ni Miss USA si Miss Cambodia dahil hindi raw ito marunong magsalita ng english.

Sa isa pang video clip naman inokray ni Miss USA si Miss Vietnam ang pinag-initan niya dahil din sa hindi ito marunong mag-ingles.

After na mapanood ang video nila ng maraming netizens, nakatanggap ng matinding bashing si Miss USA at ang dalawa pang katsismisan niya.  Imbes daw na suportahan nila ang isa’t isa, sila pang mga kapwa babae ang nagsisiraan at nambu-bully.

Dahil sa natanggap na backlash on social media, nag-apologize sina Miss USA, Miss Australia at Miss Colombia kina Miss Cambodia at Miss Vietnam.

“In a moment where I intended to admire the courage of a few of my sisters, I said something that I now realize can be perceived as not respectful, and I apologize. My life, friendships, and career revolve around me being a compassionate and empathetic woman. I would never intend to hurt another. I am grateful for opportunities to speak with Nat, Miss Cambodia, and H’Hen, Miss Vietnam, directly about this experience. These are the moments that matter most to me,” pag-apology pa ni Miss USA.

Dahil malaking competition ang Miss Universe at hindi nawawala na may ibang mga candidates na maninira at manlalait. 

Pero dahil sa digital age at social media, ay mabilis nang mahuli kung sino ang mga maldita at nagpi-feeling reyna sa Miss Universe.

Hollywood actor na si Tyler Perry nanlibre ng shoppers sa Walmart

Muling nagpakita ng kanyang generosity ang Hollywood actor, comedian, director and producer na si Tyler Perry dahil binayaran niya ang Christmas layaways ng ilang Walmart shoppers sa Atlanta, Georgia.

Sa isang IG video, pinost ni Perry ang naging Christmas surprise niya sa mga namimili sa dalawang Walmart stores.

“I was trying to do this anonymously but due to some circumstances, y’all know nothing stays secret these days. So I just wanted to go ahead and tell you. I have paid for all of your layaways for Christmas. So Merry Christmas to everybody.”

Napag-alaman na higit na 1,500 people ang binigyan ng sorpresa ni Perry at nagbayad siya ng higit kumulang na $434,000 sa mga Christmas layaways nila.

Nag-iyakan ang mga shopper nang kunin na nila ang mga pinatabing mga gamit sa Walmart dahil nabayaran na ito ng actor-director. 

Ilan sa kanila ay noong October pa raw nagpa-hold ng ilang items at naghahanap ng paraan kung paano ito mababayaran. Ngayon ay maiuuwi na nila ang mga ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinaramdam ni Perry ang kanyang generosity. Noong nakaraang September ay binigyan niya ng trabaho sa isang TV show ang former cast ng The Cosby Show na si Geoffrey Owens na hiniya ng ilang netizens dahil sa nakita itong nagtatrabaho bilang cashier sa Trader Joe’s.

Isa sa successful actors in Hollywood si Tyler Perry na may net worth na $600 million dahil sa kanyang Medea film franchise at pag-produce ng TV shows sa Oprah Winfrey Network.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with