^

Pang Movies

Maine, Vic at Coco walang kapaguran!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Absent kahapon si Vic Sotto sa Eat Bulaga dahil nagpunta siya sa Cebu para sa mall show nila nina Maine Mendoza at Coco Martin.

 

Tuwang-tuwa ang Cebuano fans dahil nakita nila nang personal at malapitan ang mga artista ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Walang pahinga ang tatlo dahil pagkarating nila sa Cebu City, sumabak agad sila sa motorcade.

Pagkatapos ng morning motorcade, naghanda na sila para sa show nila sa isang mall na napuno ng fans na excited na makita ang sikat na stars ng Jack Em Popoy.

Bihirang-bihira na magsama-sama sina Bossing, Maine at Coco kaya siguradong dumagundong ang mall nang umapir sila sa stage.

Anne pinagawan na lang ng set kesa bumiyahe ng Batanes

Nagpagawa pala ng set ng Aurora na malapit sa ABS-CBN ang Viva Films at ang Aliud Films para hindi mahirapan si Anne Curtis sa paglalagare sa shooting ng pelikula niya na kasali sa Metro Manila Film Festival at sa kanyang Monday to Saturday hosting job sa It’s Showtime.

Milyun-milyong piso raw ang ginas­tos ng producers para sa construction ng bahay na ginamit sa mga eksena ng Aurora pero malaki pa rin ang natipid nila kesa bumalik sa Batanes island para sa mga kailangan na interior shot.

Tinapos muna pala ni Anne ang shooting ng Aurora bago sila lumipad sa South Africa para sa month long honey­moon nila ni Erwan Heussaff.

One Great Love naudlot ang preview

Nanghinayang ang entertainment press dahil hindi natuloy kahapon ang press preview ng One Great Love na biglang nakansela noong Biyernes nang gabi.

Hoping pa naman ang mga reporter na mapanood ang pelikula nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera dahil balitang-balita na maganda ang kuwento at mahusay ang direksyon ni Eric Quizon sa One Great Love.

Hindi naman nasayang ang oras ni Eric dahil hindi man natuloy ang press preview ng One Great Love, nagkaroon siya ng oras para pumunta sa gym. Ang pagiging buff ni Eric ang napapansin ng lahat dahil ang sipag-sipag niya na mag-exercise kaya fit inspiration siya ng younger actors.

Sunshine ayaw pa-annul kay Timothy

Wala sa isip ni Sunshine Dizon na mag-file ng annulment para mapawalang-bisa ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Timothy Tan.

Dapat matuwa si Timothy dahil malaki pa ang chance na magkabalikan sila ni Sunshine dahil hindi nito inaalis ang posibilidad na maayos ang kanilang pagsasama.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with