^

Pang Movies

Indie ang approach, Sarah may personal touchsa pelikulang kasama ang aso

Pang-masa
Indie ang approach, Sarah may personal touchsa pelikulang kasama ang aso
Sarah

MANILA, Philippines — Nakausap namin sandali si director Perci Intalan sa Christmas Party ng Regal Entertainment at natanong namin sa gagawing pelikula ng Viva Films na pagbibidahan ni Sarah Geronimo, kasama ang isang aso. Sarah and the Dog ang working title ng movie to be directed by Jun Lana.

Kuwento ni direk Perci, ang kasamang aso ni Sarah ay ang Golden Retriever na si Serena na lumabas at nagbida sa Sherlock Jr., kasama si Ruru Madrid. Walang leading man si Sarah sa movie at idea nito na wala siyang love interest at may suggestion siya sa story.

In fact, dalawang beses nang nakipag-meeting sa kanila si Sarah sa pelikulang mainstream, pero indie ang treatment. First time ito na ma-i-involve si Sarah sa gagawin niyang pelikula, exciting ang kalalabasan ng movie with the singer-actress touch and idea.

Park Hyung Sik at Dylan Wang kinuhang endorser ng local brand ng mga damit!

Ayaw paawat ng Bench sa pagkuha ng international celebrities to endorse the brand at matutuwa ang Pinoy fans sa dalawang bagong member ng Global Bench setter. Sila’y ang Korean actor na si Park Hyung Sik at ang Chinese actor na si Dylan Wang.

Si Park Hyung Sik ay nakapunta na ng Manila, kaya si Dylan Wang na lang ang hinihintay ng Pinoy fans. Siya ang gumanap na Dao Ming Zi sa bagong version na Meteor Garden, kaya excited ang fans to see him in person.

Sabi ni Ben Chan kay Dylan, “So yeah, this happened. Wish granted- @dylan_wang-1220 is officially on our squad. Stay with us for the latest from your new #GlobalBENCHsetter #DylanWangforBench.”

‘Katuwa dahil pati fans ni Dylan sa China, nagpasalamat din kay Ben Chan for getting Dylan for Bench. Ang request ng fans, kunin din ng Bench si Shen Yue, ang gumanap na Shan Cai sa Meteor Garden para partner sila ni Dylan Wang.

Speaking of Bench, magpoprodyus na rin pala sila ng pelikula at si Lino Cayetano ang magdidirek. Dahil tatakbo sa 2019 midterm election si Lino, sisimulan agad ang pelikula bago magsimula ang kampanya.

Bida sa wala pang title na pelikula ng Bench sina Derrick Mo­nasterio, Kiko Estrada, Teejay Marquez, David Licauco at Enzo Pineda. Puro talents ni Arnold Vegafria ang mga nabanggit, except for Derrick na talent ng GMA Artist Center. Young actress dedma sa ginagawang pagpapaselos ng dating karelasyon

Iba rin magparamdam o kaya’y magpaselos ang na-link sa young actress (YA) dahil binati ng taong na-link kay YA ang isa pang aktres na naging photo bomber sa picture ni YA, kasama ang isang kaibigan.

Nababalitang break na sina YA at ang nali-link sa kanya dahil hindi pabor ang parents ni YA sa kanya dahil bad influence raw sa buhay ng anak. Kaya kahit ayaw ni YA, nakipaghiwalay ito sa taong mahal niya.

Iyon nga lang, hindi nagpapapigil ang ex ni YA na magparamdam at isang halimbawa nga ang pag-i-stalk nito sa socmed account ni YA. Hindi nga binati si YA, pero binati naman ang kaibigang aktres nila ni YA. Pinagselos nito si YA na deadma naman sa kanya.   Nitz Millarez

 

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with