^

Pang Movies

Janine nag-rent lang ng bahay sa Amerika para makatipid

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Janine nag-rent lang ng bahay sa Amerika para makatipid
Janine

Si Janine Gutierrez sa pa-Christmas party ni Leo Dominguez sa kanyang mga talent.

Tinanong ako ni Janine kung hindi ba ako magbabakasyon sa Los Angeles, California ngayong Christmas break?

Paalis kasi siya kasama ang tatay niyang si Ramon Christopher at mga kapatid.

Pero hanggang December 29 lang daw sila roon at babalik agad ng bansa para salubungin dito ang 2019!

“Baka nga hindi kami magkita ni Tita Raymond dahil pauwi naman siya rito pagpunta namin ng L.A.,” sabi ni Janine.

Ikinuwento ko nga pala sa kanya na si Rodjun Cruz na kuya ni Rayver Cruz ang nagkuwento sa akin na kasama ang kanyang boyfriend sa Christmas vacation nila ng kanyang pamilya.

Natawa lang si Janine dahil hindi naman niya inililihim ang tungkol doon.

Siyanga pala dahil marami sila sa bakasyon na ‘yon ay nag-rent daw siya ng bahay sa West Hollywood para mas makamura naman sila.

Sabi ko naman kay Janine, sana lang ay okey ang nakuha niyang bahay at hindi siya matulad sa isang aktres at sa boyfriend nito na nag-rent ng bahay para makatipid nang magbakasyon sa Amerika kamakailan, pero ang ending ay mas napagastos dahil palpak ang mga unan, bedsheets, towels, kaya namili pa sila para maging comfortable.

“Sana huwag namang mangyari sa amin ‘yon,” ang wish na lang ni Janine.

Lovi ayaw matanong sa lovelife

Nakita ko rin sa nasabing party si Lovi Poe na kahit naka-white ay kitang-kita pa rin ang kaseksihan.

Mukhang happy naman si Lovi, kaya hindi ko ba sinira ang mood niya at hindi ko na siya inusisa sa tunay na dahilan ng break-up nila ng boyfriend na si Chris Johnson.

Knowing Lovi rin kasi, hindi siya ‘yung tipong open sa kanyang love life.

Actually, hindi naman nagkukuwento si Lovi tungkol sa status ng kanyang love life, huh!

Pagdating nga sa bagay na ‘yon, parang ang drama niya ay, “What you see is what you get,” ‘noh?!

Rita at Ken nagpapaka-healthy

Health conscious din pala itong si Ken Chan.

Sa guesting nila ngayong umaga sa Sarap, ‘Di Ba? ng My Special Tatay co-star niyang si Rita Daniela, ipinamalas ng aktor na marunong pala siyang magluto ng healthy food katulad ng oatmeal arroz caldo.

Nag-cooking demo nga si Ken sa weekend morning show ng mag-iinang Carmina Villarroel, Cassy at Mavy Legaspi habang nagkukuwento sila ni Rita ng kanilang Christmas hugot stories.

Anyway, alam n’yo ba na hanggang ngayon ay inuulan pa rin ng request ang GMA-7 na gawing mabait na ang character ni Rita sa My Special Tatay at maging sweet na sila ni Ken sa palabas.

May kilig daw kasi sina Ken at Rita

vuukle comment

AMERIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with