^

Pang Movies

Mother Lily ‘di nagpadaig sa sayawan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mother Lily �di nagpadaig sa sayawan!
Mother Lily

May nagkuwento sa akin na madaling-araw na nang matapos ang bonggang Christmas party ng Regal Entertainment Inc. para sa kanilang mga empleyado, artista, bisita at entertainment press.

Siyempre, ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang punong-abala sa pag-aasikaso sa lahat ng mga bisita pero dance-to-death din daw sila.

Aliw na aliw kay Mother ang lahat dahil nakipag­sabayan siya kay Roselle sa pagsasayaw. Inggit na inggit kay Mother ang ibang mga senior citizen guest dahil sa kanyang edad, malakas na malakas at masiglang-masigla siya.

Walang discrimination sa Christmas party of the Year ng Regal dahil kasali ang lahat sa raffle draw at sa bingo. Bumaha rin daw siyempre ang mga one –to- sawa na pagkain at drinks.

Janella blooming, obvious na naka-move on na kay Elmo!

Sina Manang Inday Susan Roces, Maricel Soriano, ang Gu­tierrez family, Janella Salvador, Eric Quizon, Jameson Blake, Jerome Ponce, ang mga direktor na sina Chito Roño, Joey Reyes at ibang mga aspiring star ang mga personality na umapir sa Christmas party of the Year ng Regal Entertainment Inc.

Naniniwala ang mga eyewitness na fully recovered na si Janella sa break up nila ni Elmo Magalona dahil blooming siya at hindi na mababakas sa kanyang mukha ang pagiging heartbroken.

Naglagare naman si Jerome dahil nanggaling ito sa grand presscon ng Otlum pero nag-stay siya sa party ng Regal as in dance-to-death din sila ni Janella.

One Great Love may special preview!

Ang One Great Love ang official entry nina Mother Lily at Roselle sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ipinagmamalaki ng mag-ina na napakaganda ng pagkakagawa ni Eric Quizon sa pelikula kaya magkakaroon sila ng special preview na hindi ko sasabihin kung kailan at saan para hindi puntahan ng mga gaka o gatecrashers.

Starring sa One Great Love sina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera na pare-parehong hindi nakarating sa Christmas party ng Regal dahil sa kanilang mga prior commitment.

May mga nakapanood na sa One Great Love at sila ang may pralala na strong contenders sina Kim, Dennis at JC sa best actress, best actor at best supporting actor categories, respectively sa Gabi ng Parangal ng MMFF sa December 27 na magaganap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Tiniyak ni Mother Lily na in full force na sasakay sa float ng One Great Love sa Parade of Stars sa December 23 ang buong cast.

Anne sa malaking barko sasakay sa MMFF Parade!

May idea na ako sa float na sasakyan ni Anne Curtis sa Parade of Stars ng MMFF.

Tungkol sa isang lumubog na barko na Aurora ang pangalan ang filmfest entry ni Anne.

Sure ako na malaking barko ang design ng float ng Aurora dahil malaki ang kinalaman ng barko sa suspense-thriller movie ng direktor na si Yam Laranas.

Napanood na ni Yam ang kabuuan ng Aurora at satisfied daw ang actress sa finished product ng pelikula.

Tailor-made para kay Anne ang role ni Leana kaya siya lang ang one and only choice ni Yam para magbida sa Aurora.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with