^

Pang Movies

Iza next week na ang kasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iza next week na ang kasal!
Iza

Next week na pala ang wedding nina Iza Calzado at Fil-British fiancé nitong si Ben Wintle, ayaw lang kumpirmahin ng mga invited sa kasal ang exact date at kung saan ang venue ng wedding. Ang narinig namin, sa December 18, magsisimulang umalis ang invited guests para pumunta kung saan gaganapin ang kasal.

Sa social media account ni Iza, wala siyang clue man lang kung saan at kung kailan ang kasal nila ni Ben Wintle, bukod sa mga ikakasal, ang invited guests lang ang nakakaalam kung saan at kailan ang star-studded wedding.

Ang nakikita lang ay ang blooming ni Iza sa mga pino-post na pictures na kahit walang make-up, labas pa rin ang kanyang kagandahan. Lalong lumabas ang ganda ng aktres, after her Belo Beauty session. Kaya ang nababasang comments sa post niya ay ang kanyang kagandahan.

Heart ginagawang pampa-goodvibes ng mga mamamalengke!

Hit na hit ang Heart Evangelista challenge na nagsimula nang mag-post si Heart ng kanyang OOTD samantalang bibili lamang siya ng corned beef. Ang daming nagsulputang memes na nakakatuwa. May bibili ng suka, patatas, at sili, may pupunta ng grocery, merong pupunta ng palengke para bumili ng galunggong at merong hinihintay lang ang order sa Lazada, pero bihis na bihis dahil peg nga nila si Heart.

Ang bagong pang-OOTD ni Heart ay pupunta raw siya ng palengke para bumili ng itlog na pula, pero ang suot, naka-long sleeved dress at talagang dress to kill.

Waiting na kami kung anong kalokohang memes naman ang gagawin ng netizens na nag-i-enjoy sa panggagaya kay Heart all for fun. This time, walang nam-bash kay Heart, katuwaan lang ang lahat.

Samantala, pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center si Heart last December 13, ang GMAAC na ang magma-manage ng kanyang career. Hindi kami sure kung kailan nagsimulang magpa-manage si Heart sa GMAAC o baka first time niyang ginawa ito.

Nauna nang pumirma ng kontrata sa GMA Network si Heart, kaya Kapuso na talaga siya, wala na siyang kawala sa pagiging Kapuso. Ang hihintayin na lang natin ay kung ano ang project na ibibigay ng GMA Network kay Heart.

Rhian ligtas na sa bashing

Nasa New York na si Rhian Ramos para mag-enroll ng Improve acting. Nagpo-post na siya ng photos habang nasa NY siya. Sabi nito, she’s alone, but not lonely.

Nagpo-post din si Rhian ng photos sa maraming despedida niya rito, aakalain tuloy na nasa bansa pa siya. Ang daming nagbigay ng despedida kay Rhian at hindi pa man siya nakakaalis, nami-miss na siya.

Kung masusunod ang schedule ni Rhian, after three months, babalik siya ng Pilipinas dahil kailangan niyang lumabas ng bansa at saka babalik ng New York after three months para tapusin ang kanyang pag-aaral.

Balak ni Rhian na mag-work behind the ca­mera, either as a scriptwriter and director in the future kapag marami na siyang alam at kapag kampante na siya ay maging director.

Habang nasa New York, nakaiwas sa bashing si Rhian sa fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Sophie belong na sa mga Abrenica

Belong na talaga si Sophie Albert sa pamilya ng boyfriend niyang si Vin Abrenica dahil isa lang siya sa invited guest sa kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ang iba ngang friends nina Kylie at Aljur, hindi naimbita, pero si Sophie, imbitado.

Samantala, isa sa nagkaroon ng big impact sa Pamilya Roces ang karakter ni Sophie na si Amber, minahal siya ng viewers kahit kontrabida ang role at nang mawala ang karakter, hinanap ng viewers. Kaya masaya ang viewers nang magbalik si Amber sa pagtatapos ng Pamilya Roces this Friday.

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with