^

Pang Movies

Coco at Alden inuuna ang pagpapayaman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Coco at Alden inuuna ang pagpapayaman
Coco

Dati-rati, it’s a must na may asawa na o lumalagay na sa tahimik ang mga kababaihan at kalalakihan kapag tumuntong sila sa edad na 25.

Iba na ang panahon dahil career-oriented na ang karamihan, ordinary people man o artista.

Ngayon, common nang maririnig na binata at dalaga pa ang mga 30 to 35-years old kaya kadalasan, mas older na ang mga mommy at daddy ng mga bagets.

Sa true lang, mas gusto ko ang mga ganyan na pangyayari, mga achiever na ang karamihan bago pumasok at sumabak sa married life kaya hindi na nagkakaroon ng mga problema sa pakikipagrelas­yon bilang mentally, emotionally at financially stable na sila.

Hindi gaya nang dati na parang nagmamadali ang lahat para mag-asawa dahil ngayon, relaxed na sila tulad nina Coco Martin at Alden Richards na inuuna muna ang kanilang mga showbiz career.

Naniniwala ako na sina Coco at Alden ang dalawa sa mga rich bachelor sa showbiz sa kasalukuyan dahil masisipag sila at marunong humawak ng pera.

Movie producer na si Coco at sure ako na marami na siya na mga investment.

Si Alden naman, restaurant owner at palaging puno ng mga kostumer ang negosyo niya sa Morato area. May franchise na rin si Alden ng isang sikat na fastfood chain sa Biñan, Laguna na madaling puntahan mula sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna. Si Alden ang celebrity endorser ng fastfood chain kaya ito ang pinili niya para maging isa sa kanyang mga negosyo.

Aktres na nagkaroon din ng fastfood chain, dukha na uli

Naalaala ko tuloy ang kuwento sa isang aktres na nagkaroon din ng branch ng isang fastfood chain pero nawala rin dahil pinabayaan niya.

Kung naging mautak ang aktres, bongga na source of income ang fastfood chain na dating pag-aari niya, kahit hindi na siya active sa showbiz.

Pero may mga tao talaga na hindi business-minded tulad ng aktres na hindi pinag­handaan ang future kaya ibinenta niya ang negosyo na palugi. Ang ending, back to zero siya.

Mga handa sa pasko nasa online na!

Tapos na ako sa pamimigay ng mga Christmas gift dahil September pa lang, nagpadala na ako ng mga regalo pero may suggestion si Rose Garcia para sa mga ayaw makipagsabayan sa Christmas rush, lalung-lalo na sa trapik, ang good news ng CDO at Honestbee.

Ang sey ni Rose, makakakabili na ng mga CDO Christmas products sa online sa pamamagitan ng Honestbee.

At dahil sa partnership ng CDO at Honestbee, puwede nang i-deliver sa inyong mga tahanan ang CDO favorites tulad ng CDO Christmas Treasures, CDO Premium Holiday Ham, CDO Pista Ham, CDO Jamon de Bola, CDO Pear-Shaped Ham,  Danes Cheese Ball, Danes Classic Cheese, Danes Mayo Dressing at CDO Sweet Preserves.

Sa isang simpleng pag-click online, tuloy na tuloy ang mga Filipino tradition ng paghahain ng mga Christmas food tulad ng ham at queso de bola tuwing Noche Buena at Media Noche.

At sa pakikipag-partner sa Honestbee, CDO has guaranteed na online delivery that is not just dependable but also easy to navigate.

Perfect para sa mga busy mothers yuppies at millennials alike na mas madalas na naka-depende sa online shopping. Honestbee completes the convenience by delivering the goods ordered online.

 

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with