^

Pang Movies

Derek at Jennylyn naghintayan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Derek at Jennylyn naghintayan!
Derek & Jen

Nagpahaging si Derek Ramsay sa Instagram post niya kahapon kaugnay ng pupuntahang commitment sa gabi na may kinalaman sa kanyang career.

The night before, nakasama ng hunk actor ang pamilya niya sa doughnut commercial niya at bago pumunta sa commitment, isang billboard shoot ang tatapusin niya sa araw.

“Tonight, I make a big decision regarding my career. I’m both nervous and thrilled at the same time. Thank you Lord for all the blessings,” caption ni Derek sa litrato niyang nakahiga.

Nitong mga nakaraang buwan, kinumpirma ni Derek na nakipag-meeting na siya sa GMA executives for a possible transfer and projects. Nakiusap muna siyang kung masasara ang negosasyon, sa January na siya magsisimulang magtrabaho.

Hindi naman niya ipinagkakailang malaki ang kinalaman ng kaibigan at business partner na si John Estrada sa kanyang nalalapit na pagiging Kapuso. Bakante rin sa regular series si Jennylyn Mercado na nakapareha niya sa dalawang movies.

Wala siyang hinagap na darating ang bagong oportunidad bilang aktor dahil nagdesisyon na siya noon pa man na mag-concentrate sa paggawa ng pelikula at harapin ang mga negosyo.

Imee parang multo sa Kapamilya

Naloka si Governor Imee Marcos nang pumasyal siya sa Channel 2 para sa event na may kinalaman si Karla Estrada. Eh, type na type niyang kumanta si Karla ng Waray songs dahil isa rin siyang Waray tulad ng ina niyang si Imelda Marcos.

“Para silang nakakakita ng multo nang pumasok ako. Ewan ko ba sa kanila. Hindi ko na lang pinansin at sineryoso ang reactions nang nakakita sa akin,” kuwento ni Gov. Imee nang makachikahan ng press.

Martial Law days nang mapasara ng Marcos administration ang ABS-CBN at nagbukas lang muli ito nang si Cory Aquino na ang pumalit na presidente ng bansa.

“Move on na tayo!” bulalas ng Ilocos Norte governor na susubuk sa Senado sa 2019 elections.

vuukle comment

DEREK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with