^

Pang Movies

Pasko naman… mga balitang nakaka-panic, dapat bawasan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sana dahil Pasko na Mama Salve, hindi na frontpage ang mga balitang tulad ng isang nanay na pinatay ang paslit na anak, nasunog 100 bahay, truck nawalan ng preno, maraming nasaktan, ang hindi matapus-tapos na nahuhuli pa rin gumagamit ng bawal na gamot, mga napapatay sa enkwentro ng pulis at bad guys.

 

Sana ‘pag Pasko ay mabawasan ang mga ganyang klase ng balita. Hindi naman itatago, o kaya hindi bibigyan pansin, pero sana ay may kontrol na rin sa paglalabas ng mga balitang nakaka-depress, nakakababa ng morale at hindi makakatulong para maging masaya ang paligid.

Totoong nagaganap ito sa paligid natin, pero downplay lang ng kaunti at hindi iyong para bang pag nabasa mo ay ganun na katalamak ang krimen na nangyayari.

Iyon kaba mo pag nasa kalye ka o iyon takot na hindi na safe ang paligid. Ito ang pumapatay ng pag-asa natin, hindi naman ganun kalala ang mga pangyayari, under control pa rin ito ng mga pulis, safe pa rin naman ang paligid, pero pag nabasa at napanood mo, may panic kang mararamdaman.

Sana ngayong Christmas time lang, i-tone down natin mga balitang nakakatakot, kahit Pasko lang matikman natin iyon feeling of safety and peace please please.

Amy lalong gumaganda nang magka-edad!

Bago ko makalimutan, babatiin ko na ng happy birthday ang forever young na si Amy Austria na magdiriwang bukas, December 13, ng 57th birthday niya.

Forever young si Esmeng dahil habang nagkaka-edad, bumabata ang kanyang hitsura. Kakaiba ang beauty ni Esmeng dahil may make up o wala, lutang na lutang ang Pinay beauty niya.

Cast member si Esmeng ng Halik, ang top-ra­ting primetime drama series ng ABS-CBN. Mataas ang ratings ng Halik at madalas na pinupuri ang performance ni Amy na isang multi-awarded actress kaya feeling complete siya sa birthday niya.

Sa pagkakaalam ko, magkakaroon din ng birthday celebration sa eksena ng Halik ang karakter na ginagampanan niya na wala nang mahihiling pa dahil may loving husband siya, si Duke Ventura, anak at mga apo na nagpapasaya sa kanya.

Maraming natutunan...

Rival program ng Halik ang Pamilya Roces ng GMA-7 pero matatapos na ang tapatan ng dalawang programa dahil sa darating na Biyernes na ang last episode ng primetime teleserye ng Kapuso Network.

Siyempre, may separation anxiety na nararamdaman ang mga artista ng Pamilya Roces dahil sa closeness at friendship na nabuo sa set ng kanilang show.

May mga natutunan din na aral ang cast ng Pamilya Roces sa kuwento ng kanilang teleserye na pinangungunahan ni Carla Abellana.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with