^

Pang Movies

Aktres nakikipag-live in na sa actor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Pinag-isip ng aktres ang mga nakakabasa sa mga post niya sa social media kung live in na ba sila ng kanyang boyfriend? Ibinalita kasi ng aktres na lumipat siya ng ibang bahay, bigger sa dating tinirahan, kaya lang may binanggit na “we” na ibig sabihin, may kasama siyang titira sa bagong bahay.

Eh, sa iniwang condo unit, mag-isa lang siyang nanirahan at dinadalaw lang ng mga kamag-anak at pati na rin ng kanyang boyfriend. Pero ngayon, parang kasama na niya ang nobyo.

Lalo pang nagduda ang fans ng aktres dahil kasama ng aktres ang BF sa bagong litrato na pinost sa kanyang paglipat. O, baka naman tumulong lang si dyowa na ayusin ang bahay ng aktres?

Halimbawang live in na nga ang dalawa, walang masama lalo’t nagmamahalan sila, matagal na ang kanilang relasyon at higit sa lahat, pareho na silang nasa legal age. Saka, kung ang parents nga ng aktres hindi pinigilan ang aktres, lalong walang karapatan ang fans na pakialaman ang desisyon nito.

Miguel ayaw makita sina Bianca at Ruru?!

Nagtatanong ang fans ni Miguel Tanfelix kung wala na siya sa Sunday Pinasaya dahil ilang linggo na siyang hindi napapanood. May nag-aakala tuloy na sinasadya nitong hindi mag-report sa show para makaiwas makita sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Nali-link kasi ang dalawa ngayon mula nang mag-break sina Miguel at Bianca, baka raw nasasaktan ang aktor na makasama ang dalawa.

Pero, kaya wala last Sunday sa SPS si Miguel dahil dumalo sa Asian Academy Creative Awards dahil siya ang national winner ng bansa sa Best Actor in a Lead Role category para sa labas niya sa Kambal Kari­bal. Hindi man nanalo, na-highlight pa rin ang pagdalo ni Miguel dahil naging presentor sila ni Maja Salvador sa isang category.

Saka, baka sumama si Miguel sa grupo ni Kyline Alcantara na noong Sunday lang bumalik ng Pilipinas dahil namasyal muna sa Universal Studios. Tingnan natin kung nasa SPS na sa Sunday si Miguel at kung wala pa, doon na mangamba ang kanyang fans at ang fans nila ni Bianca.

Donny at Kisses ang lakas sa fans

Kabilang sa tatlong love teams na kasama sa cast ng Fantastica ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin. Ang lakas ng dalawa sa fans at all out ang suporta nila sa dalawa at nangakong hindi sila papayag na maungusan ang favorite love team nila ng love team nina Maymay Entrata at Edward Barber, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Sa presscon pa lang, panalo sa lakas sumigaw ang fans ng love team nina Kisses at Donny kahit hindi pa “for real” ang kanilang love team. May sumisingit kasing pangalan ni Sharlene San Pedro sa parte ni Donny, hindi lang namin alam kung totoo.

Parehong hindi makapaniwala sina Donny at Kisses na mapasama sila sa cast ng Fantastica lalo na at entry pa sa MMFF.

Sa direction ni Barry Gonzales, mapapanood na ang Fantastica simula sa December 25 sa maraming sinehan.

Starstruck sure na ang pagbuhay

Mukhang matutuloy na next year ang pagbabalik ng StarStruck dahil may short teaser nang pinalalabas ang GMA 7. Maiksi pa lang ang pinapakita sa teaser at ilang bahagi pa lang ng theme song, pero may dating na ang original talent search ng network.

Hintayin natin ang announcement kung sino ang magiging hosts ng Starstruck at kung sinu-sino ang magiging judges.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with