^

Pang Movies

Miron binawal sa taping ng kapamilya Xmas show

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang taping ngayon ng Christmas TV Special ng ABS-CBN.

Sa Araneta Coliseum ang venue nila at ipapalabas ‘yon sa Saturday at Sunday.

Limited to three companions ang bawat artista’t singers na kasama roon.

Bawal din ang mga “miron” sa backstage para mas mapabilis ang taping.

Alfred excited na uling maging tatay

Kahit busy sa kanyang pagiging representative ng 5th district ng Quezon City, hindi raw nakakalimutan ni Alfred Vargas ang malalapit na entertainment press sa kanya.

Gusto raw niyang magpatawag ng get-together sa pamamagitan ng manager niyang si Manay Lolit Solis.

Representative pa rin ang puwestong tatakbuhan ni Alfred sa susunod na eleksiyon.

Excited naman siya na maging tatay uli for the third time kung saan ay lalaki na ang ipinagbubuntis ng misis niyang si Yasmine Espiritu-Vargas.

Shido napapansin agad

Daig pa ng baguhang si Shido Roxas ang ibang mga artistang kasali sa Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry na Rainbow’s Sunset.

Kaliwa’t kanan kasi ang publicity ni Shido.

Introducing si Shido sa Rainbow Sunset as the young Eddie Garcia, kaya may publicity support ang manager niyang si Leo Dominguez at binigyan siya ng sariling presscon.

Importante sa mga baguhang katulad ni Shido ang publicity dahil mas madali siyang napapansin.

Pops at Martin laging magkasama

Ang guesting kagabi ni Pops Fernandez sa LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa ANC cable channel ng ABS-CBN.

Matagal nang nai-taping ng ex-couple ang episode na ‘yon, pero kagabi lang ipinalabas.

Friends naman sina Pops at Martin, kaya walang problema na magkasama silang dalawa.  Kahapon nga, magkasama na naman sila.

Anyway, sa mga naka-missed ng guesting ni Pops sa show ni Martin sa ANC, may replays naman ‘yon, just check sa schedules ng nasabing cable channel.

Malamang nga pala na mag-guest din si Martin sa online show ni Pops, ang Pops-sibilities.

Bukas ang birthday ni Pops at may party siya sa Greenhills, San Juan at ang alam ko, imbitado roon si Martin.

Ang ibang mga taga-showbiz kaya na ex rin ni Pops ay imbitado rin kaya sa birthday party niyang ‘yon?

Well...

vuukle comment

XMAS SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with