^

Pang Movies

Anak nina John Lloyd at Ellen nakita na

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak nina John Lloyd at Ellen nakita na
Ellen at Beauty

Parang ang laki na ng baby nina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.

Kahapon sa IG story ni Beauty Gonzales na common knowledge na BFF ng inactive actress ay nakita ang paa ni bagets na ang sabi’y ipinanganak nung June of this year.

Pero bukod sa legs ni baby nakatawag pansin din ang buto ng pakwan na nakasama sa picture na animo’y nakapatong sa legs ni Ellen.

Natawa tuloy ang mga nakius­yoso sa nasabing picture at nagwa-wonder sila kung kumakain na ba ng prutas ang anak nina John Lloyd at Ellen o sadyang kumalat lang habang kumakain ang mga magulang niya. Hihihi.

Walang nakakalampas sa social media as in ultimo ganung buto, hindi nakakalampas sa kanila.

Bukod sa IG story, nag-post din si Beauty ng selfie nila ni Ellen na parang bumalik na ang ganda.

Kalat sa bahay ng lolang actress patok sa social media

Isa pang pinag-uusapan kahapon ay ang Instagram video post ng isang lolang actress.

Wow, kitang-kita raw sa nasabing post na ang ang kalat ng bahay nila. As in makikita mong walang kaayusan ang kanilang bahay.

Nagkalat ang mga kung anu-ano at may ilang sirang kagamitan.

Ito naman talaga ang disadvantage ng social media, unconciously nabubuko ang mga tinatago mo.

Ibang MMFF movies kulang pa sa push

May technical problems pa pala ang ilang pelikulang kasali sa MMFF 2018.

Akala ko tapos na tapos na lahat. Pero hindi pa pala. Ang iba ay naghahabol pa sa finishing touches.

Parang kulang pa sa push ang ibang kasali pero umaasa ang marami na kikita ang mga pelikula though may ilang nagne-nega na agad.

‘Wag naman. Hayaan nating kumita ang ibang producer na ngayong Pasko lang babawi.

vuukle comment

ELLEN AT BEAUTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with