^

Pang Movies

Anne ayaw pag-usapan ang pagbi-baby nila ni Erwan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anne ayaw pag-usapan ang pagbi-baby nila ni Erwan!
Anne at Erwan

Ayaw sagutin ni Anne Curtis ang mga tanong ng entertainment press kung kailan nila plano ng asawang si Erwan Heussaff na magkaroon ng baby.

Consistent ang sagot niya sa tuwing matatanong siya tungkol dito sa nakaraang presscon ng horror film na Aurora, another entry to Metro Manila Film Festival 2018.

“I think that’s a very private question. But you know what, I think it will happen in God’s time and when it happens, of course, I’m gonna share it with everyone,” sey ni Anne.

When asked kung posible bang may nabuo sa one month na bakasyon nila ni Erwan sa Africa kamakailan, sagot na naman ni Anne na natatawa, “ano ba naman ‘yan, super private naman ‘yan.”

Samantala, happy si Anne na napasama sa MMFF ang Aurora dahil noong ginagawa raw nila ito ay hindi naman nila ine-expect na papasok sa festival.

Maglalaban sila ng pelikula ng kaibigan niya at co-host sa It’s Showtime na si Vice Ganda, napag-uusapan ba nila ito?

“Wala, normal. Kasi, parang last year naman yata, si Vhong (Navarro) naman ang merong entry sa Metro Manila Film Festival, so parang wala na sa amin ‘yun.”

Nagtutulungan pa nga raw sila sa It’s Showtime when promoting their movie.

When asked kung anon’g ranking ba ang tinatarget niya sa MMFF, aniya ay hindi naman niya rito binabase ang movie.

“I hate basing film on the ranking dahil kung gaano lang ang kinita, so hindi, hindi ko siya iniisip na ganu’n,” aniya.

Pip busy na uli sa trabaho

The show must go on para kay Tirso Cruz III na may dalawang entries sa MMFF ngayong taon, ang Rainbow’s Sunset at ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Hindi naman kaila sa lahat na nagluluksa pa si Pip ngayon dahil sa pagyao ng kanyang panganay na anak na si Teejay Cruz last Nov. 21.

Dumalo si Pip sa presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles held last Thursday kaya bumilib din naman kami sa kanyang professionalism.

“I’m coping with the situation in life,” pahayag ni Pipo. “Sabi nga nila, ‘yung mga taga-showbiz, alam naman yata ng lahat ‘yun, there’s a saying that “the show must go on, no matter what.” Dumada­ting ang mga tao, maging sa entablado, sa telebisyon, sa pelikula, nagtutungo roon ang tao upang ma-entertain, upang makapanood ng magandang palabas, kaya dapat, naihihiwalay namin ‘yung personal namin du’n sa trabaho namin.

“Pag trabaho, trabaho. ‘Yung personal will come later and alam ko naman, ‘yung mga Pilipino, likas sa atin ‘yun, pagka nalaman nila na may pi­nagdadaanan man ang tao, nauunawaan nila ‘yun.

“But of course, kami naman, bilang mga artista, ang unang tungkulin namin, ibigay ‘yung talento namin at ibigay ‘yung kung ano ‘yung inaasahan ng mga tao.”

Lalo pa nga raw at Kapaskuhan ngayon na panahon ng kasiyahan, and looking forward din ang mga tao na ma-entertain sa mga MMFF movies.

“Nagpapasalamat lang din ako sa mga naituro sa akin ng mga magulang ko at saka sa mga natutunan ko sa mga kapwa-artista ko na gaya nga nu’n, may pinagdadaanan ka mang mabigat, sarilinin mo muna, paglingkuran mo muna ‘yung pinagkakautangan mo ng utang na loob mo sa trabaho mo, sa tungkulin mo,” sabi pa ni Pipo

vuukle comment

ANNE AT ERWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with