^

Pang Movies

Raffy Tulfo hinamon ng drug test si Mystica!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ipinapasailalim ni Raffy Tulfo ang singer na si Mystica sa isang drug test pagkatapos nitong magsumbong sa kanyang radio program na Wanted Sa Radyo kamakailan.

Inireklamo ni Mystica ang mga blogger ng cyber-bullying.

Ayon kay Mystica, bina-bash daw siya ng dalawa dahil sa mga panawagan nito sa Facebook kina Coco Martin, Michael V. at Dingdong Dantes na mabigyan siya ng trabaho sa TV.

Pero ang hindi raw matanggap ni Mystica ay ang magkunwari raw na booker ang mga blogger para lang daw hingin ang contact number niya at hiyain sa publiko.

Kung hahantong daw sa demandahan ay handa raw na harapin ng mga blogger si Mystica.

Pero biglang tinanong ni Raffy Tulfo si Mystica kung gumagamit ba ito ng ipinagbabawal na gamot? Sagot naman ng singer na hindi raw siya gumagamit ng illegal drugs at wala naman daw ang name niya sa listahan ng mga pinaghihinalaang celebrities na drug addicts.

Nakiusap si Tulfo na sumailalim si Mystica sa isang drug test. Kung negative raw ang resulta, maaaring matulungan niya itong magkaroon ng trabaho. Pero kung positive ang lumabas, ibang usapan na raw iyon.

Pumayag naman si Mystica sa kasunduan nila ni Tulfo at confident ito na drug-free ang kanyang katawan.

Lady Gaga nominadong best actress sa 2018 Golden Globes Awards

Nag-celebrate ang “little monsters” ng singer-actress na si Lady Gaga dahil ang kanilang “mother monster” ay nakakuha ng dalawang nominations sa 2018 Golden Globes Awards.

Nag-announce ng full list of nominations noong December 6 sa Beverly Hilton Hotel sila Andy Samberg at Sandra Oh.

Nominated si Lady Gaga for A Star Is Born sa category na Best Actress in a Motion Picture-Drama. Ginampanan ni Gaga ang role as Ally, isang waitress/gay night club performer na sumikat bilang isang pop/rock singer sa tulong ng isang papalaos ng rock star. 

Matindi ang mga kalaban ni Gaga sa kanyang category tulad ni Glenn Close (The Wife), Nicole Kidman (Destroyer), Melissa McCarthy (Can You Ever Forgive Me?) at Rosamund Pike (A Private War).

Nominated din si Gaga sa Best Original Song category para sa awiting Shallow na collaboration niya with Mark Ronson, Anthony Rossomando and Andrew Wyatt para sa A Star Is Born.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng nomination si Lady Gaga sa Golden Globes. Una siyang na-nominate in 2012 para sa Best Original Song category kasama si Elton John. Sinulat nila ang theme song ng animated film na Gnomeo & Juliet na Hello, Hello.  In 2016, napanalunan naman ni Gaga ang Best Actress in a Limited Series for American Horror Story: Hotel.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with