^

Pang Movies

Veteran singer laylow na sa mga tumatawag sa kanya ng tita

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, dahil sa “actor’s etiquette” na inilabas ni Cherie Gil, naalala ko tuloy ang kuwento ng isang actress/TV host tungkol sa isang veteran female singer na nakasabay niyang mag-guest sa isang musical variety show ng isang top TV network.

 

Pinagsama kasi ang dalawa sa isang dressing room.

Feeling naman ni actress/TV host ay malapit naman siya kay veteran female singer na umarte (at nag-inarte) rin sa ilang mga palabas sa TV at pelikula, kaya nag-kiss siya rito sabay tawag ng, “Tita”.

Nagulat si actress/TV host nang biglang nag-dialogue si veteran female singer ng, “Don’t call me Tita, we’re not relatives!”

“Okey po,” ang nasabi na lang ni actress/TV host kay veteran female singer.

Pero ang “eksenang” ‘yon ay nangyari noong medyo hot pa si veteran female singer, pero ngayon naman, malaki na ang ipinagbago niya at hindi na siya nagre-react kapag may mga tumatawag sa kanya ng “Tita”.

Beauty queen turned showbiz personality feeling mas bata sa kaedarang TV host/actress

Iba naman ang drama nitong beauty queen turned showbiz personality.

Naloka naman sa kanya ang isang TV host/actress na kilala sa pagiging beautiful at super good looking pa rin.

Nagkasabay ang dalawa na mag-judge sa isang beauty contest sa isang daily TV show.

Nagulat si actress/TV host nang mag-dialogue si beauty queen turned showbiz personality ng, “Can I call you Tita?”

Wala namang problema kay actress/TV host na tinatawag siyang “Tita” ng ilang teen stars, pero si beauty queen turned showbiz personality ang tatawag ng ganoon sa kanya na hindi naman nagkakalayo ang hitsura nila (actually, mas fresh pa nga ang dating ni actress/TV host compared kay beauty queen turned showbiz personality), kaya ang sabi ng mga nakarinig sa dialogue na ‘yon ni beauty queen turned showbiz personality ay parang pinamumukha raw niya kay actress/TV host na mas bata siya.

Well...

Nanay ni Shido Roxas pino-promote ang halikan ng anak sa kapwa lalaki

Ang newcomer na si Shido Roxas na introducing sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry na Rainbow’s Sunset.

Si Shido ang gumaganap na young Eddie Garcia sa pelikula.

Nakipaghalikan si Shido kay theater actor na si Ross Pesigan na gumaganap naman na young Tony Mabesa.

Sabi ni Shido, pino-promote raw ng kanyang nanay ang pelikulang ‘yon sa kanilang mga kamag-anak.

Wala raw alam ang nanay niya na may kissing scene siya sa kapwa niya lalaki.

Wala naman daw siyang dapat ikahiya sa ginawang ‘yon dahil isang matinong pelikula ang Rainbow’s Sunset at si Joel Lamangan pa ang kanilang direktor.

Hindi rin naman daw tatanggapin ‘yon ng manager niyang si Leo Dominguez kung hindi matinong pelikula.

Samantala, dahil sa temang ‘yon ng pelikula, umaasa sila na susuportahan sila ng LGBT community.

Aurora ni Anne, ipapalabas din around the world

Gusto ni Yam Laranas na maipalabas ang MMFF 2018 official movie entry ni Anne Curtis around the world.

Pero mas gusto raw na ipalabas ‘yon sa original na Tagalog dialogue.

Hindi na raw kailangang i-dub pa in English. Lagyan na lang ng subtitle.

Si Anne naman, sobrang proud and excited sa Aurora.

Hindi pa raw niya napapanood ang buong pelikula, pero ‘yung mga eksenang nakita na niya ay sobra siyang nagandahan!

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with