^

Pang Movies

Bong hindi makakalimutan ang mabigat na pinagdaanan sa kulungan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa Imus Cathedral muna dumaan si former Sen. Bong Revilla at ang kanyang pamilya para magpasalamat sa Diyos matapos siyang lumaya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame last Friday.

 

Pagkatapos ay dumiretso na sila sa Revilla mansion sa Bacoor kung saan ay sinalubong siya ng mga supporters niya sa Cavite. Dumaan muna si Bong sa kwarto ng kanyang amang si dating Sen. Ramon Revilla, Sr. at ilang sandali rin daw ito sa loob kasama ang pamilya bago lumabas para harapin ang mga supporter na naghihintay sa kanya.

Nagbigay ng madamdaming speech si Sen. Bong sa kanyang mga kababayan at ipinahayag ang pasasalamat siya sa Diyos at sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya.

“Itong mabigat na pagsubok na dumating sa aking buhay ay hindi ko makakalimutan. Apat na taon at halos anim na buwan at isang taon na dinurog ang aking pagkatao.

“Kung tutuusin, halos anim na taon ang nawala sa aking buhay. Anim na taong dinurog ang ating pangalan. Pero sa araw na ito ay nagkaroon ng linaw na tayo’y walang kasalanan,” ang bahagi ng speech ni Bong sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao.

“Kaya mga kababayan ko, taas-noo tayong mga Caviteño kahit kanino dahil walang kasalanan ang kababayan n’yong Caviteño!” ang saad pa ni Bong.

Bagong chapter daw ito ngayon ng kanyang buhay at aniya, akala raw niya ay tapos na ang mundo niya nang mangyari sa kanya ang mabigat na pagsubok na ito.

“Pero ‘yun pala, ang Panginoon ay nandiyan pa rin kasi hindi niya ako pinababayaan at hindi Niya ako pababayaan,” he said.

Kaya ang payo niya sa lahat, anuman daw ang pagsubok na dumating sa ating buhay ay huwag tayong mawawalan ng pag-asa.

Nagpaunlak naman ng panayam si Bacoor Mayor Lani Mercado sa news reporters na naroroon nung Friday night at dito ay ipinahayag din niya ang labis na pasasalamat sa paglaya ng mister at pagpapawalang-sala rito sa kasong plunder.

Habang nagbibiyahe nga raw sila patungong Cavite ay nagre-reminisce si Bong ng kanyang kabataan sa mga kalyeng nadadaanan. Ang una nga raw sinabi nito ay “totoo ba ito? Nangangarap ba ako?”

Ikinuwento rin ni Lani na nakahawak na rin daw ng cell phone ang asawa at parang may phobia pa raw ito.

“Nahawakan na niya finally ang cell phone. Para siyang mayroon pang phobia. Pag may hawak siyang phone, natatakot siya, baka may magbawal sa kanya.

“So, may ganu’n pang pagtingin. Nasa period of adjustment actually siya,” kwento ni Lani sa mga kaharap na news reporters.

Ngayong nakalaya na ang asawa, ani Lani ay best Christmas ito ever para sa kanila. Magse-settle down daw muna sila at ang priority raw ng aktor/politiko ngayon ay ang pamilya at ang kalusugan nito.

Namamaga kasi ang kanang kamay ni Sen. Bong nang lumabas sa kulungan kaya gagamutin daw muna ito.

Nais rin daw ni Bong na magsimba ulit kinabukasan (bale kahapon) dahil birthday ni Mama Mary.

“Gusto niya ring magpasalamat dahil bitin po ang panalangin niya kanina sa Imus Chatedral. He wants to celebrate mass as a sign of thanksgiving,” sey ni Lani.

Marami rin daw nag-iimbita ngayon kay Bong for a thanksgiving celebration sa iba’t ibang lugar.

 

 

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with