^

Pang Movies

Lea nominado sa Grammy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lea nominado sa Grammy!

Naghuhumiyaw ang isa sa Instagram posts ni Lea Salonga nang ma-nominate ang Once on This Island album sa coming 61st Grammy Awards para sa category na Best Musical/Theater album.

 

Ito ang musical stage play na pinagbidahan niya sa Broadway stage. Nang makarating sa kanya ang balitang nominee siya, agad siyang pumunta sa website ng Grammys upang kumpirmahin ang balitang natanggap.

Totoo ang balita! Pinost ni Lea ang nominasyon niya bilang artist sa Grammys. “So thrilled to share this with you my Island family. And that at 47 years once can still have a first!” bahagi ng caption ni Lea.

Of course, nanalo na si Lea ng Tony Awards bilang best lead actress at Laurence Olivier Award  in a musical para sa ginawang Miss Saigon pero iba rin ang Grammys dahil ang pagiging singer naman niya ang huhusgahan sa Grammys na gaganapin sa February 2019.

Alden kasabay ng Feast of Immaculate Conception ang 8th year sa showbiz

Dalawa lang yata sina Joey de Leon at AiAi de las Alas sa artistang nakitaan namin ng pagpupugay sa petsang December 8. Ito ang araw na Solemnity of the Immaculate Concepcion.

Sa kanyang Instagram, pinaalala ni AiAi na magsimba dahil isa itong holy day of obligation. Devotee ang Comedy Queen ni Mama Mary kaya hindi niya kinaliligtaan ang dalawang dates na associated kay Mama Mary – Sept. 8 – birthday at Dec 8 - Immaculate Concepcion Day.

Sa IG naman ni Joey, ibinagi niya ang picture nila ng asawang si Eileen Macapagal at pinaalala ng kahalagahan ng araw.

Para naman sa fans ni Alden Richards, ito ang araw ng selebrasyon ng 8 anniversary niya sa showbiz. Sa araw na ito, pumirma siya ng kontrata sa GMA Network at inalala ng ama sa Twitter na nu’ng hindi pa contract artist ng Kapuso network ang anak, dalawa silang pumipila sa gate para makapasok sa audition ng Starstruck.

Now the rest is history kay Alden. Na nananatiling mababa ang loob at busilak ang puso.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with