^

Pang Movies

KC napatawad na si Piolo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC napatawad na si Piolo!

May mga hindi pa rin naniniwala na friends na sina Piolo Pascual at KC Concepcion after their controversial break-up kahit sinabi na ni KC. Kaya may nag-dare kina Piolo at KC na i-follow nila ang isa’t isa sa Instagram (IG).

 

Si KC pa lang ang nakabasa sa dare ng fans at wala siyang reaction.

Hindi pa alam kung ano ang magiging reaction ni Piolo sa dare na ito ng fans.

Sagot ni KC sa fan na nag-wish na maging friend sila ni Piolo: “We are good, Piolo and I have forgiven each other and know that we will care about each other as friends.”

Sa mga nag-wish na maging sila na forever ni Pierre-Emmanuel Plassart, “Hahaha! Oh, mag-double wish tayo!” sagot ni KC.

Tirso pinipilit maging masaya

Dumalo si Tirso Cruz III sa presscon ng Jack Em Popoy sa role ng isang pulis. First presscon ito ni Pip after his eldest son TJ Cruz died.

Sa tanong kung kumusta siya?

“I’m coping with the situation in life. The show must go on no matter of what happened. Dapat ihiwalay ang personal sa trabaho, ang personal will come later. Ang tao naman nauunawaan yun. Ang unang tungkulin natin ay ibigay ang talento natin sa tao. Dapat maging masaya lang,” sabi ni Pip.

Thankful si Pip sa creative staff ng Jack Em Popoy dahil nang i-suggest ang pangalan niya, walang komontra.

Kasama rin pala si Pip sa Rainbow’s Sunset, entry ng Heaven’s Best Entertainment sa 2018 MMFF. Bida siya rito kasama sina Sunshine Dizon, Aiko Melendez, Tony Mabesa at Ms. Gloria Romero.

Showbiz couple bantay sarado ng pamilya sa bakasyon

Magkasamang magbabakasyon sa Amerika ang isang showbiz couple na ayaw munang pangalanan para walang nega comments. And actually, walang magiging negative feedback kahit ang bashers dahil hindi lang ang dalawa ang aalis.

Kasama ng showbiz couple na lilipad pa-Amerika ang family ng aktres at sa rami nila, maraming magiging chaperone ang aktres sa mga lakad nila ng boyfriend.

Actually, wala namang isyu sa magkasamang pag-alis ng magdyowa dahil nasa edad na sila pareho and they know the do’s and don’t.

Also, hindi ito ang first time na magta-travel sila sa ibang bansa. Wala lang tsismis dahil laging kasama ng aktres ang mga kapatid pag lumalabas sila ng bansa ng kanyang boyfriend.

 

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with