^

Pang Movies

Rambulan sa MMFF inaabangan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dalawang pelikula ang inaasahang magsasagupaan nang husto sa darating na Metro Manila Film Festival, ang Fantastica ni Vice Ganda, at ang Jack Em Popoy nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza. May mga nagsasabi na nagkaharap-harap na rin ang kanilang mga pelikula noon at nakalamang ang pelikula ni Vice Ganda, pero kailangan ninyong isipin na ngayon ay magkasanib ang puwersa nina Vic at Coco, bukod pa nga sa puwersa ni Maine na may malaki ring mass support.

 

Kung babasahin mo ang sinasabing popularity standings ng mga artistang ‘yan, talo ng Eat Bulaga ni Vic Sotto ang It’s Showtime ni Vice Ganda. Kung sabihin man na ang dahilan ay mas malalaki ang premyo sa Eat Bulaga o mas maraming sikat na hosts ay hindi rin basehan. Basta talo nito sa ratings ang Showtime.

Highest rating TV series naman hanggang sa ngayon ang FPJ’s Probinsyano ni Coco. Walang tumalo roon. Tumaob sa kanya maging ang action series ni Dingdong Dantes, at kahit na iyong serye niya ngayon na kasama pa si Dennis Trillo.

Kaya sinasabi namin na kung ang basehan ay mass support, matindi ang kalamangan ng pagsasanib-puwersa nina Coco at Vic diyan sa Jack Em Popoy.

Alalahanin din ninyo, gumawa ng history ang AlDub, at maliwanag naman na umangat ang career ni Alden matapos na mai-partner lamang kay Maine, at nakasuporta pa siya ngayon kina Coco at Vic.

Mga pelikula ng 2018 maraming flop kahit sikat ang mga bida, tsamba-tsamba lang ang mga kumikita

Ano pa nga ba ang mga obserbasyon ng mga kritiko sa taong 2018?

Sinasabi nila na nitong 2018, hindi naging batayan ang pagkakaroon ng malaking casting ng pelikula para masigurong kikita iyon. Mayroon namang mga pelikulang mahina ang casting at naka-tsamba, pero nang gumawa ulit ng pelikula ang mga bida lumabas na ang nauna nilang pelikula ay tsamba nga lang. Example, hindi na nasundan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez ang Kita Kita na nag-hit nang husto sa takilya.

Marami rin ang nagtataka, bakit hindi naka-tsamba ang pelikula nina Sharon Cuneta at Richard Gomez? Kung sa bagay, masama rin kasi ang resulta ng come back indie ni Sharon at maging ang ginawa niyang kasunod na pelikula na katambal si Robin Padilla. Baka nga kailangan niya si Gabby Eigenmann para umangat siya ulit.

Maliwanag din na ang gusto ng tao ngayong love story, ay iyong mga bata ang bida, at iyon ang dahilan kung bakit nakapag-rehistro nga ang KathNiel ng halos isang bilyon sa isang pelikula lamang.

Masarap pag-aralan ang itinakbo ng industriya ng pelikula sa ating bansa, na napag-usapan nga namin habang humihigop ng mainit na kape hanggang abutin na kami nang madaling araw.

Ano naman kaya ang kalalabasan ng 2019?

PM walang fake news...

Hoy, 15 years na pala ang PM (Pang Masa). Kung baga sa tao, bagets na rin ang diyaryong ito. Nakakatuwang isipin na sa loob ng nakaraang labinlimang taon, patuloy ang kredibilidad ng PM sa mga mambabasa nito. Hindi naman kasi kami naglalabas ng “kuryente” lang na kuwento. Wala po kaming fake news.

Sana nga tumagal pa ito nang limang ulit pang labinlimang taon. Hindi na namin aabutin ang panahong iyon pero naniniwala kaming mananatili ang PM sa paghahatid sa inyo ng mga balitang tunay na Pang Masa.

Happy anniversary po sa lahat sa amin sa PM.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with