^

Pang Movies

15 years ago mga pelikula pinipilahan pa, piracy uso na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
15 years ago mga pelikula pinipilahan pa, piracy uso na!

Wow, 15 years na ang Pang Masa. Hay may hinahabol talaga ang araw, ang bilis-bilis lumipas.

 

Nag-umpisa kami noon na medyo malakas pa ang mga pelikulang Tagalog.

Marami-rami pang pelikulang pinalalabas. Hindi pa masyadong adik ang mga Pinoy sa social media though may piracy na as in usung-uso na ang pirated copies ng DVDs and CDs sa Quiapo.

Fifteen years after, iilan na lang ang mga pelikulang Tagalog na talagang pinapanood. Mas abala na rin ang showbiz sa social media. Ang mga walang career na artista, doon na lang bumabalandra.

Fifteen years after kaya may pelikulang Tagalog pa o hanggang sa mga internet streaming na lang sila mapapanood?

Sa kasalukuyang lagay ng movie industry, nakakaduda. Maraming pelikula particular ang indie pero straight to video or TV na. Or kung medyo umabot ng one week sa sinehan, napa-pirate naman sa social media.

Pray tayo na mag-level up din ang ilang producer sa kuwento ng mga pelikula nila at hindi ‘yung nakakasawa na. Sana rin ‘yun hindi lang sila ang matatawa at mage-enjoy sa ginagawa nila. Sana rin kung ipapalabas sa ibang bansa ang pelikula natin, ‘yun namang magandang bagay at kaugalian ng mga Pinoy ang makikita, hindi ‘yung nakakadiring kapaligiran natin.

Maging tulad sana sa Korea at China ang lagay ng movie and TV industry natin. At higit sa lahat ‘wag kalimutang isama sa mga eksena ang moral values and good manners and right conduct na nakakalimutan na ng mga tao ngayon dahil sa kaabalahan sa social media.

Anyway, maraming salamat dear PM readers. Hindi talaga namin inaasahan na magiging solid ang pagtangkilik ninyo sa amin. Thank you Lord.

At ito bago ang lahat, na-google ko ang mga pelikulang ipinalabas noong 2003 na sa true lang parang kailan lang pero 15 years na pala.

 Magnifico. Bida sa pelikula sina Lorna Tolentino, Albert Martinez and Jiro Manio tumanggap ng maraming award at dinirek ng namayapang Maryo J. delos Reyes. Taong 2003 din nang ipalabas ang pelikulang Ang Babae sa Breakwater starring Katherine Luna directed by Mario O’Hara. Maalalang si Katherine Luna ang babaeng nag-claim noon na may anak kay Coco Martin. Pero walang napatunayan. Asan na kaya siya?

Nung taon ding ‘yun ginawa ni Sharon Cuneta ang indie film na Crying Ladies. Ito ang first indie film niya.

Kasama rin sa pinalabas noon ang super box office movie ni AiAi delas Alas na Tanging Ina. Grabe isa’t kalahating dekada na pala ang nasabing pelikula ni AiAi na super duper hit noon.

Ang box office movie nila Piolo Pascual and Judy Ann Santos na Till There Was You ay pinalabas din. Marami pa nung umaasa na magi­ging sila.

Kasama rin sa napanood at kumita sa takilya ang Pakners starring Fernando Poe Jr. with Efren Bata Reyes Jr.; Kung Ako Na Lang Sana starring Aga Muhlach and Sharon Cuneta; Mano Po 2 starring Susan Roces; ang kuwento ng buhay ni former Ilocos Governor Chavit Singsong starring Cesar Montano; Mr. Suave starring Vhong Navarro; My First Romance starring John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, John Prats and Heart Evangelista; Lastikman starring Vic Sotto; Captain Barbell starring Ogie Alcasid; Spirit Warrior 2; Noon at Ngayon directed by Marilou Diaz-Abaya.

Kasabay din ng birthday ng PM ang Keka starring Katya Santos, The Last Virgin starring Maui Taylor; Bayaran and Pinay Pie.

vuukle comment

PIRACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with