^

Pang Movies

Anak ni Marian na nasa tiyan pa lang, kino-kontrata na agad na endorser

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Patuloy ang paghakot ng awards ni Marian Rivera. Matapos siyang parangalan sa para sa advocacy niya sa breastfeeding ng MCNAP (Mother and Child Nurses Association of the Philippines), aba, pinakyaw niya ang ilang awards mula sa Comguild Academe’s Choice Awards.

 

Idinispley ni Yan ang ibinigay na trophies para sa awards niyang Advertiser’s Friendly, Female Host of the Year at Most Admired Family Endorser of the Year.

Bukod sa pasasalamat sa award-giving body, pinasalamatan din ni Mrs. Dantes ang advertisers na patuloy na nagtitiwala sa kanya at kanyang pamilya.

Sa totoo lang, hindi pa natatapos ang taon eh, nagsunud-sunod nitong nakaraang buwan ang pagkuha kay Marian bilang endorser. Hindi lang one time, big time dahil may endorsement siyang every year ay nire-renew ang kontrata niya, huh!

Ngayon pa lang nga, balitang may gusto nang kumuhang endorser sa ilalabas niyang baby boy!

General Bato bet si Robin sa kanyang film bio

Pasok si Robin Padilla kay General Ronald ‘Bato’ de la Rosa kung sakaling gagawing bio-pic ang kanyang buhay. Para naman sa magiging leading lady niya, gusto niya si Sharon Cuneta dahil paborito siya ng asawa niya.

Naka-chikahan ng entertainment press si Gen. Bato kahapon sa Annabel’s. Nandoon pa rin ang pagiging playful niya sa likod ng imaheng matigas at istrikto na unang nakilala ng publiko bilang Chief ng Philippine National Police nang umupo si President Rody Duterte.

“Pero mas gusto ko ‘yung comedy, drama at action. Madrama kasi ang buhay ko at gustong ipaalam na hindi sagabal ang kahirapan para magtagumpay ang isang tao,” pahayag ni Gen. Bato.

Laki siya sa hirap at isang traysikel driver ang tatay. Naglalakad nang ilang ki­lometro para makapasok at kadalasan ay walang baon lalo na kapag walang kita ang ama.

“Ang ginagawa ko sa school, sinasagutan ko ‘yung assignments ng classmates ko pero sabi ko, share nila ako sa baon nila,” pag-alala ng heneral.

Ngayon nga ay tatakbo siyang senador sa 2019 mid-term elections. Gusto niyang tulu­ngan ang presidente na ipagpatuloy ng mga project nito sa bansa.

Para sa kanya gusto niyang ibalik ang death penalty para sa drug traffickers at pabor din siya sa same sex marriage o union. “Ibigay natin ang gusto nila kung saan sila masaya!” rason ni Gen. Bato.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with