^

Pang Movies

Maine alagang-alaga ni Vic

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine alagang-alaga ni Vic

MANILA, Philippines — May mga kumakalat dati na tsismis na si Maine Mendoza raw ay pinabayaan na pagkatapos ng phenomenal event nila ni Alden Richards noon na AlDub: Ang Tamang Panahon, pero ang totoo, alagang-alaga ito ni Vic Sotto.

Nakitaan ni Vic si Maine ng potensyal sa pag-arte at pagpapatawa. Natural na natural lang kasi ito kung umasta, kaya naman binigyan niya ito ng sariling sitcom na umeere tuwing sabado, ang Daddy’s Gurl sa GMA-7 na siyempre ay pinagbibidahan ni Vic.

Gumaganap na mag-ama sa nasabing show ang dalawa at ganun din ang role nila sa pelikula nilang magsisilbing entry sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles with Coco Martin. Ipapalabas ito sa araw ng kapaskuhan kung saan makakalaban din nila ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica at ang iba pang anim na pelikula.

Regine umaalma na sa kabisihan?!

Akala ng iba, kaya lumipat sa ABS-CBN si Regine Velasquez ay dahil wala na siyang projects sa GMA-7, pero bakit may mga bulung-bulungan na umaalma raw ito sa rami ng ginagawa niya sa Dos?! Kung totoo man ito, dapat na ipagpasalamat na lang ni Regine na marami pa rin siyang trabaho, ibig sabihin lang nito ay in demand pa rin siya kahit matagal na siyang artista.

Marami ang natanggal na artista at nawalan ng trabaho nang dahil daw sa kanya, pero hindi naman natin sigurado kung totoo ngang kasalanan niya dahil hindi naman natin alam ang desisyon ng management.

Pagtataray ni Gloria tatapusin na

Marami ang nakaka-relate sa role ni Gloria Diaz sa serye nilang Pamilya Roces sa GMA-7 kung saan gumaganap siya bilang legal wife ni Roi Vinzon at nanay nina Carla Abellana at Gabbi Garcia. Mataray at palaban si Gloria sa nasabing serye dahil kailangan niyang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang legal wife. Bukod kasi sa kanya, may dalawa pang inasawa si Roi, ito ay sina Elizabeth Oropesa na gumaganap na nanay ni Sophie Albert at Ana Roces na gumanap naman na nanay ni Jasmine Curtis Smith at Shaira Diaz.

Madalas laitin ni Gloria ang dalawa, pero ang nakakakuha talaga ng atensyon ng mga manonood ay ang bangayan nila ni Elizabeth.

Malapit nang matapos ang Pamilya Roces kaya pakatutukan kung kaninong pamilya nga ba ang magwawagi.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to December born celebrities:  Vivian Velez, Peachy Guio, Dolor Guevarra, Lyn Ching, Jeric Vasquez, at Rainier Morales.                               

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with