^

Pang Movies

Momoland bagong ambassadress ng Frontrow!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Momoland bagong ambassadress ng Frontrow!
Momoland

Sa ikalawang pagkakataon, balik-Pilipinas ang sikat na South Korean girl group na Momoland para sa isang exclusive fan meet na in-organize ng aktor/direktor at may-ari ng Frontrow International.

Kahapon ng 1pm ginanap ang FM ng Momoland sa ABS-CBN Vertis Tent in Quezon City at bago ito ay nagkaroon muna ng press conference at 10am sa bagong opisina ng Frontrow sa Mother Ignacia St. Quezon City.

Kulang ang nine members at walo lang ang nakarating na sina Nancy, Hyebin, Taeha, Nayun, Jooe, Ahin, Daisy and Jane. Wala si Yeonwoo at ayon kay RS, may sakit daw ito.

“May high fever. Sorry sa mga Yeonwoo fans ha? Ita-try natin siyang dalhin ng solo para sa inyo.

“Kasi, marami nagme-message sa akin, ‘ba’t di kasama si Yeonwoo?’ so isa-isa ‘yan, kailangan kong replayan. Kasi, may lagnat po. Eh hindi uwedeng mag-travel pag may lagnat, di ba?

“So, she was advised by her doctor na she cannot travel. Pero I was excited also to meet Yeonwoo,”sabi ni RS.

Ayon pa sa aktor/businessman, ang pagdadala niya sa Momoland sa bansa ay way niya ng pasasalamat sa mga loyal Frontrow distributors gayundin sa mga Pinoy Merries (ang official fan club ng Momoland).

In person ay magaganda nga ang mga girls especially the very controversial Nancy na kamukha raw ni Liza Soberano. Naaliw kami na tina-try nilang mag-Tagalog at nagkamali pa si Jooe nang i-try niyang sabihin ang “ready na po ba kayo?” pero naging “ready na po ba karu?”

Inanunsyo rin ni RS na ang grupo ang newest Frontrow Ambassadress at naka-schedule magkaroon ng photo shoot ngayong araw na ito.

Sunshine civil sa dating asawa

Wala pa ring love life si Sunshine Dizon nga­ yon kahit na nga ba 2 years na siyang hiwalay sa asawang si Timothy Tan. Ayaw daw niyang isipin pa ang magkaroon ng bagong pag-ibig ngayon dahil kasal pa rin naman siya at hindi pa naman naa-annul ang kasal nila.

Pero masaya naman daw siya dahil nandiyan ang kanyang dalawang anak na siyang pinagkukunan niya ng strength and happiness. Plus very thankful siya na lagi siyang may work. Malaking bagay daw ‘yun para maging busy siya at hindi ma-depress.

Civil naman daw ang relasyon nila ni Timothy. Nag-uusap naman daw sila nang may kinalaman sa mga anak nila.

“Kung mag-usap kami ng anything na may kinalaman sa mga anak niya, di usap kami. Siya nag­hahatid sundo sa mga anak niya,” sey ni Shine.

Kasama ang aktres sa pelikulang Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2018 directed by Joel Lamangan.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Shine ay papel na anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero na hiwalay sa asawa.

Nakatulong ba sa pelikula ang personal experiences niya sa movie?

“Ewan ko, that’s part of my truth already, eh. That’s where I am already, eh. Whether artista ako or hindi, part na ‘yan ng truth ko. Siguro oo, or puwede ring hindi. Parang hindi ko naman masyadong na-feel na nakatulong siya,” natatawang sabi ni Shine.

vuukle comment

MOMOLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with