^

Pang Movies

Film company na nagbabalik, inililihim ang ginagawang pelikula

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Active na uli sa pagpoprodyus ng pelikula ang isang film outfit, in fact, nagsimula na silang mag-shooting ng una nilang pelikula. Sexy-comedy ang tema ng pelikula na ang bida ay ang sexy comedienne na talent ng isang big network at ang leading man ay sexy actor na talent din ng network.

Nakakagulat lang na hanggang ngayon, ayaw pa ring ipaalam o ibalita ng film company that they are back in business. Lihim ang paggawa ng pelikula ng comebacking film company at ‘pag tinatanong kung kailan nila i-a-announce na balik-pelikula na sila, walang gustong magsalita.

Ang sabi, kaya ayaw pang i-announce ng film company ang kanilang pagbabalik dahil may balak daw ang mga producer na palitan ang pangalan ng kanilang film outfit. Kaya, hintayin na lang natin ang mga susunod nilang hakbang.

 Kim binabantaan ng fans nila ni Xian

May fans talaga na hindi marunong ihiwalay ang totoo sa hindi totoo. Gaya na lang ng fans nina Kim Chiu at Xian Lim na nagseselos kina Dennis Trillo at JC de Vera na kapareha ni Kim sa Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Regal Entertainment na One Great Love.

Hindi raw nila panonoorin ang pelikula dahil hindi si Xian ang leading man ni Kim at lalo pa silang nagselos sa balitang may bathtub scene sina Kim at JC de Vera.

In fairness, ayaw din nilang suportahan ang movie ni Xian na hindi si Kim ang partner ng aktor, magbo-boycott din daw sila.

Heto pa, pinu-promote ni Kim sa socmed account niya ang One Great Love, may nag-comment ba naman ng nakakasawa na ang maraming posts ni Kim about the movie. Kulang na lang pati trailer, i-post ni Kim.

Sagot ni Kim, “ano po gusto nyo po e post ko?” na sayang, hindi na sinagot ng nagreklamo. Mabuti at hindi siya sinagot ni Kim na account niya ‘yun, it’s her wall at may right siya na i-post anuman ang gusto niyang i-post.

Pinupuri ni direk Eric Quizon ang husay ni Kim sa One Great Love, sayang kung hindi mapapanood ng mga nagbabanta ng boycott ang husay niya.

 Max gayang-gaya ang pagiging ‘queen’ ni Gloria

Pare-pareho ang comment ng press people kay Max Collins, bagay siyang gumanap na young Gloria Romero sa MMFF entry ng Heaven’s Best Entertainment na Rainbow’s Sunset. Ang description ni Aiko Melendez kay Ms. Gloria na “very queenly,” nakikita rin kay Max. Natuwa sa kanyang narinig si Max at nagpasalamat sa mga reporter.

Big challenge kay Max na gampanan ang young Gloria Romero dahil kailangang gayahin niya ang kilos at pananalita nito para maging consistent ang pagganap niya. Napuri siya ni direk Joel Lamangan, ibig sabihin, nagawa nito ng tama ang kanyang karakter at makikita ito ‘pag napanood  ang pelikula simula December 25.

Pinansin ang ganda ng takbo ng career ni Max na nakakatrabaho ang magagaling na director mula kay the late Maryo J. Delos Reyes, si Mike de Leon sa Citizen Jake at ngayon, si Joel sa Rainbow’s Sunset.

Samantala, magkakasama sina Max at asawang si Pancho Magno sa bagong soap ng GMA-7 na pagbibidahan din nina Neil Ryan Sese, Mark Herras, Jason Abalos, Kim Domingo at marami pang iba. 

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with