^

Pang Movies

Princess Meghan inisnab ang kasal nina Nick Jonas at Priyanka Chopra!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Princess Meghan inisnab ang kasal nina Nick Jonas at Priyanka Chopra!

Kinasal na via a Christian ceremony sila Nick Jonas at Priyanka Chopra sa Taj Umaid Bhawan Palace in Jodhpur, India.

Ang ama ng singer na si Paul Kevin Jonas ang nag-officiate ng Christian wedding ng dalawa.

The next day ay magkakaroon naman ng isang traditional Hindu wedding ang dalawa.

Nag-propose si Nick sa Bollywood actress four months ago sa London, pero two years na raw silang magkakilala at magkaibigan. This year lang daw sila nag-date officially at mabilis silang na-engage.

Tumanggap ng maraming best wishes ang dalawa mula sa maraming tao sa buong mundo na tumutok sa love story ng dalawa.

“One of the most special things that our relationship has given us is a merging of families who love and respect each other’s faiths and cultures. And so planning our wedding with an amalgamation of both was so so amazing,” tweet pa ni Jonas tungkol sa naging wedding nila ni Priyanka.

Hindi nakarating sa wedding ng dalawa ang best friend ni Priyanka na si Meghan Markle dahil sa maselang pagbubuntis nito. Isa pa naman daw siya sa magiging bridesmaids.

Sampung taon ang tanda ni Priyanka kay Nick. She is 36 and he is 26. Pero marami raw silang bagay na napagkakasunduan tulad ng music at pagkakaroon ng close-family ties.

Nanalo bilang Miss World si Priyanka in 2000 at ngayon ay isa siya sa highest-paid Bollywood actresses. Nagbida siya sa US series na Quantico.

Kabilang din siya sa 100 Influential People ng TIME magazine in 2016 at 100 Most Po­werful People ng Forbes in 2017.

Dressing room ipinilit baguhang aktor isinasabay sa taPing ang kanyang ‘live show’!

Huwag magtaka kung bigla na lang tsugiin sa isang teleserye ang newbie actor dahil umaasta na raw itong superstar kahit na nagsisimula pa lang at wala pang napapatunayan.

Bukod daw sa late ito dumating sa kanyang taping, marami pa raw itong nirereklamo sa kanyang kinalalagyan na dressing room.

Tsika ng aming source, gusto raw ng newbie actor na may sarili siyang dressing room. As in solo lang niya dahil ayaw daw niyang mais­torbo kapag nagpapahinga siya.

Pero iba ang pagkakakilala ng isang staff sa naturang newbie actor.

Kilala raw sa tinatawag na “alter world” sa social media ang newbie actor noong hindi pa ito nagsu-showbiz. Malaki raw ang kinikita nito kapag nag-live show siya via webcam.

Hindi naman daw nito pinapakita ang mukha niya, pero dahil sa porma ng katawan niya, obvious na siya ‘yung mystery guy na pinagnanasaan sa live show nito.

Malaki raw talaga ang kita ng mga nagla-live show. Sa rami ng audience ni newbie actor, kumikita ito ng mas malaki pa sa sinasahod niya sa pagpuyat sa taping ng teleserye.

“Ramdam ko na suma-sideline pa rin ‘yang si newbie actor sa kanyang live show. Kaya siguro madalas pagod pag dumating sa location. Malaki pa rin ang pangangailangan niya kaya hindi niya mabitawan ang alter audience niya,” sey pa ng source namin.

Kaya siguro solo dressing room ang gusto nito para makapag-sideline ito at dagdag kita pa niya iyon.

“In fairness naman kay newbie actor, fresh na fresh siya at magaling mag-show! Mamula-mula pa! Kaya hindi ko rin napigilan na panoorin siya at magbayad ako sa kada show niya!” natatawang pag-amin ng aming source.

Jan nakahanda na ang ipapangalan sa panganay

Masayang-masaya ang Bubble Gang mainstay na si Jan Manual dahil magiging isang daddy na ito next year.

Pinost ng Kapuso comedian sa kanyang Facebook ang ultrasound ng kanyang misis na si Jamey Santiago-Manual na 12 weeks pregnant na sa first baby nila.

Kinasal noong nakaraang June 2018 sina Jan at Jamey. Nagkakilala ang dalawa sa kanilang church kunsaan pastor ang Kapuso comedian.

Hinintay daw ng mag-asawa na umabot sa first trimester ang baby nila bago nila ito ipamalita sa kanilang mga kaibigan. Pero nauna na raw nilang nasabi ito sa kanilang pamilya noong two months pa lang na buntis si Jamey.

Sa 2019 pa raw ang plano nilang bumuo ng baby pero natuwa naman ang mag-asawa na napaaga ang blessing sa kanila.

Ang cravings daw ng misis ni Jan ngayon ay ang kumain ng chicken nuggets at malamig na tubig. Minsan daw ay pinahanap si Jan ng taho ng alas-tres ng madaling araw.

Lalake raw ang gustong panganay ni Jan at babae naman ang gusto ng misis niya. Pero kung ano raw ang maging gender, magiging happy sila.

Yun nga lang may prepared name na raw si Jan kapag lalake ang lumabas sa next ultrasound session nila.

“Gusto ko ang name na Josiah. Maganda kasi ang story at ang ginawa ni King Josiah noong panahon niya. Kung sakaling girl naman, wala pa akong naisip na name. Baka si Jamey na ang makapili ng name,” pagtapos pa ni Jan Manual.

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with