^

Pang Movies

Andi at Jake, nagdikit sa birthday ng anak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Andi at Jake, nagdikit sa birthday ng anak!

Natuwa ang mga fans ni Andi Eigenmann nang mag-post ang brother niya na si Gabby Eigenmann sa kanyang Instagram ng picture na kuha niya sa birthday ng niece niyang si Ellie Ejercito kasama ang mommy nitong si Andi at ang biological father niyang si Jake Ejercito. Caption ni Gabby: “Happiest bday @ellieeigengirl Love you! #damikogustoihashtagperowgnalang! @andieigengirl @unoemilio kudos to u guys!!”

Maraming nag-comment na “sana sila na lang ulit.” Patungkol kina Andi at Jake. May nag-comment na “parang gusto ko maiyak...nga­yon ko lang ulit nakita sina @andiegengirl at @unoemilio sa isang pic... sana talaga, sana magkabalikan na sila! Nakakakilig!”

May bagong boyfriend si Andi, pero si Jake ay walang nababalitang may bago itong lovelife, mas gusto niya ay inaalagaan niya ang anak nilang si Ellie.

Cain at Abel mabenta sa mga mall show

Bentang-benta sa GMA Regional mall shows ang cast ng Cain at Abel. Request na sana raw ay laging magkakasama ang mga bidang sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Solenn Heussaff at Sanya Lopez. Hindi naman sila nabigo dahil bago ang show, mayroon muna silang media launch at meet & greet with them.

Last Saturday, nasa Centrio Ayala Mall sa Cagayan de Oro City sila at full-packed ang ve­nue. Pare-pareho namang marunong kumanta at sumayaw sila kaya enjoy ang audience nila. Pero ang talaga raw nilang hinahangaan sa apat ay ang husay nila sa acting sa Cain at Abel.

Kung sina Dingdong at Dennis ay labanan sa mga action scenes, pinuri naman nila sa husay sa pagdadrama sina Solenn at Sanya.

After the show, si Dennis ay tumuloy pa sa Cebu. Lagare siya sa promo ng teleserye at ng movie naman niyang One Great Love with JC de Vera at Kim Chiu kahapon, December 2 sa Gaisano Mall sa Capital South at sa Gaisano Island Mall Mactan. Released by Regal Films, one of the eight official entries ang One Great Love for the coming Metro Manila Film Festival 2018 in cinemas nationwide starting December 25, Christmas Day.

Si Dingdong naman ay bumalik na ng Manila dahil check up naman ng wife na si Marian Rivera at ng kanilang baby boy. Nag-post pa si Dingdong ng pasasalamat afther the check-up: “Thank you sa lahat ng nagdadasal para sa aming pamilya... Thank you Lord all good si baby Boy!”

Pamilya Roces, babu na agad!

May sepanx (separation anxiety) na ang cast ng Pamilya Roces na dinidirek ni Joel Lamangan ngayong may announcement na ng nalalapit na pagwawakas nito na sinubaybayan ng marami gabi-gabi.

Punung-puno ng tawanan ang simula ng nasabing serye lalo na sa eksena nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa.

Pero ngayon ay lumitaw na ang husay ng bawat isa sa cast, sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at Jasmine Curtis Smith.

Si Carla ang mas kinagulatan sa kanyang dramatic moments dahil todo-bigay ang acting niya lalo na nang ma-discover niya ang pagtataksil sa kanya ng asawang si Hugo (Rocco Nacino) at stepsister na si Amber (Sophie).

Napapanood ang Pamilya Roces after ng Onanay.

vuukle comment

GABBY EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with