^

Pang Movies

Alex naka-4 million sa bagong kanta!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Alex naka-4 million sa bagong kanta!
Alex Gonzaga

Iilan lang ang nakakaalam na ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga ay marunong ding kumanta.

Sa latest single nitong Chambe na dedicated daw sa kanyang pamangkin na si Sevé na anak nina Paul Soriano at Toni, patok na patok sa kanyang fans ang music video nito kung saan makikitang napasayaw ni Alex ang kanyang buong pamilya.

Halos nalibot na ata ni Alex ang buong Taytay sa ginawa niya.

Good vibes ang hatid ng nasabing kanta dahil kahit pati mga construction workers sa kanto ay isinama niya.

Umabot na sa halos 4 million views ang nasabing kanta.

Si Alex ay kasama ngayon ni Toni sa pelikulang Mary Marry Me kung saan pag-aagawan nila ang leading man nilang si Sam Milby. Isa sa walong entries para sa Metro Manila Film Festival 2018 ang nasabing pelikula kung saan makakalaban din nila ang dalawang malaking pelikulang pinag-uusapan, ang Fantastica ni Vice Ganda, Richard Gutierrez, at Dingdong Dantes, at ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ni Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto.

Bukod sa Mary… magkasama rin ngayon ang magkapatid sa Pinoy Big Brother Otso kung saan nagsisilbi silang hosts. Co-hosts naman nila sina Kim Chiu, Robi Domingo, at Melai Cantiveros na pawang mga produkto ng PBB.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with