^

Pang Movies

Maine at Alden ayaw pa ring sukuan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Marami ang umaasa na posible pang magkabalikan ang phenomenal love team na AlDub na sina Maine Mendoza at Alden Richards. Wala man silang ginagawang project ngayon, nagkikita pa rin naman daw ang dalawa ‘pag may pagkakataon.

 

Sa event nilang Timeless na idinaos ka­makailan lang, makikitang wala pa ring nagbago sa samahan ng dalawa. Madalas pa rin silang magbulungan sabay ngingiti kaya naman sobrang kinikilig ang kanilang fans, lalo na ang mga matatandang sumusubaybay sa kanila. Suportado pa rin sila ng karamihan kahit na mukha na silang nagkanya-kanya.

Sa nasabing event, kumanta ang isa sa Broadway Boys na si Joshua Lumbao ng kan­yang sariling composition na pinamagatan niyang Ate Menggay. Natutuwa naman si Maine dahil nakakapagbigay inspirasyon siya sa iba para makagawa ng maganda.

Mommy Dionisia magko-concert sa Araneta!

Sa unang linggo ng Disyembre, balitang magkakaroon daw ng concert ang sikat na nanay ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao, si Mommy Dionisia Pacquiao o Mommy D. Gaganapin daw ang nasabing concert sa Smart Araneta na handog ng Palawan Express Pera Padala.

Makakasama niya rito ang mag-amang Benjie Paras at Andre Paras na pawang mga endorser din ng Palawan.

Kilalang magaling sa dance floor si Mommy D, kaya naman asahan na ng mga manonood na magpapasiklab ito sa stage ng Araneta.

Bukod kina Benjie, Andre at Mommy D, guests din sina Maymay Entrata at Kyline Alcantara.

Seksing bagets ipinareha kay Manoy!

Talbog ang ibang mga seksing artista sa aktres na si Ivana Alawi, paano ba naman kasi, siya ang napiling maging girlfriend ni Eddie Garcia sa pagbabalik niya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang pangunahing kalaban ni Coco Martin.

21 years old lang si Ivana at produkto ng Starstruck, kapatid niya ang child star na si Mona Louise Ray na bumida noon sa Munting Heredera.

Bago siya sumabak sa Ang Probinsyano, naitampok muna siya sa comeback series ni JM de Guzman na Araw Gabi kung saan gumanap siyang isa sa mga katrabaho ni Barbie Im­perial na siyang leading lady ng huli.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with