^

Pang Movies

Carmina pumalag sa ini-endorsong make up!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Carmina pumalag sa ini-endorsong make up!

May denial si Carmina Villaroel na may ineendorso siyang isang make up brand na gumamit ng kanyang pangalan at pictures sa internet nang wala namang permiso mula sa kanya. Ang masama, mukhang hindi rin kilala ang make up product na iyon.

 

Maraming mga ganyang produkto, hindi lang make up kung hindi mga beauty care products din na ni hindi dumaan sa FDA (Food and Drug Administration) natin at ibinebenta sa pamamagitan ng internet. Maraming ipinangangakong skin benefits at ginagamit ang pictures ng mga artista, o iyong mga mumurahing modelo nang hindi naman nila nalalaman.

Marami ring vitamins o food supplements na tinatawag, ibinebenta rin sa internet, ang daming false claims at ginagamit ang picture ng mga artista. Minsan magtataka ka kung bakit gumagawa ng ganoong endorsements ang mga artista. Dapat sana isang doctor ang magbigay ng endorsement at hindi isang artista. Ang masakit nga kung minsan ni hindi alam ng artista na ginagamit na pala siyang endorser ng mga produktong iyon.

Minsan nga may nakita pa ka­ming standee, cut out pa ng isang actor na nag-eendorso ng hotdogs at tocino, pero sigurado kaming hindi totoo iyon dahil iyong picture na ginamit sa stan­dee ay pictorial para sa isang pelikula, at bakit naman siya mag-eendorse ng hotdog at tocino na hindi kilala ang marka?

Sa probinsya maraming ganyan, hindi lamang sa internet kung hindi sa mga tarpaulin na nakakabit sa kung saan-saan, na hindi mo naman kilala ang kum­panya. At alam mong hindi kayang magbayad ng endorsement ng isang sikat na artista, lalo na sa pagkaka-ayos pa lamang ng layout ng kanilang tarpaulin.

Hindi naman mahabol ng mga artista, lalo na iyong nagbebenta sa pamamagitan ng internet dahil hindi mo naman alam kung nasaan sila talaga. Wala silang mga tindahan, o pabrika kung saan ginagawa ang kanilang produkto. Nagbebenta lang sila sa internet o sa mga tau-tao. Oras na mabuko, ide-delete lang nila ang kanilang account.

Kaya nga huwag maniniwala sa mga advertisement lalo na sa social media lang, na alam mong ni hindi nila binabayaran. Ang lehitimong ads ay nasa lehitimong diyaryo lamang.

Pagpaparetoke ni Regine ‘di na dapat ungkatin

Issue ba talaga kung ang isang artista man ay nagparetoke ng kanyang mukha, o bahagi ng kanyang mukha? Matagal na naming narinig iyan pero hindi namin malaman kung bakit paulit-ulit na pinag-uusapan na si Regine Velasquez daw ay nagparetoke ng kanyang ilong. Inilalabas pa nila ang pictures ni Regine noong bata pa, kuha yata noong sumali siya sa Eat Bulaga pa. Pero hindi ba ninyo alam na sa pagma-mature ng isang tao ay natural na nagbabago rin ang kanyang mukha, lalo’t natututo na ngang mag-ayos.

At saka ano pa ba ang pakialam ng ibang tao kung nagparetoke man ng ilong si Regine? Ilong naman niya iyon. Pera naman niya ang ginamit niya sa pagpaparetoke. Eh ano ang pakialam ng kahit na sino? Singer si Regine. Ang pinag-uusapan diyan ay ang boses niya, hindi naman ang ilong.

Artistang laos na, nagpapasikat pa

Hindi kami naiinis, ang totoo ay naaawa pa kami basta ang isang artista ay nagpapaka-trying hard na sabihing hit ang kanyang pelikula, o hit ang concert, o top seller ang kanyang CD kahit na sa totoo lang ay alam niyang hindi naman.

Minsan kailangan nilang gawin iyon para hindi masabing sila ay laos na. Pero hindi mo naman talagang maitatago kung laos ka na. Kasi ano man ang sabihin mo, wala nang interest ang mga tao sa iyo, laos ka na noon.

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with