^

Pang Movies

Sa sobrang kabisihan, Ogie at Regine tatlong oras lang nagkikita

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sa sobrang kabisihan, Ogie at Regine tatlong oras lang nagkikita

Miss na miss na ni Ogie Alcasid ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid na nasa New Zealand ngayon para sa isang concert kagabi.

 

Noong Thursday lang kasi nakabalik ng bansa si Ogie mula sa taping ng Home Sweetie Home sitcom ng ABS-CBN sa Seoul, Korea.

Ilang days ding nawala si Ogie at pagbalik nga niya ay may show din siya, kaya tatlong oras lang silang nagkita ng kanyang misis bago ito naman ang umalis.

“Mga three hours lang kami nagkita ni Wifey, eh. I had a show and then she had to leave na for New Zealand. Sa December 6 pa balik niya,” sabi ni Ogie na kinorek ko pa dahil evening ng December 4 ang alis ni Regine sa bansang ‘yon kaya nandirito na ang group ng kanyang misis ng Wednesday.

“Ah, ‘yon nga ang dating nila,” pag-agree ni Ogie.

Samantala, dahil sa UP siya nag-college, suportado niya ang UP Fighting Maroons basketball team sa UAAP finals, pero hindi siya nakapanood ng first game kahapon sa MOA Arena.

“May work kasi ako, saka wala ring makuhang ticket. Hehehe,” sabi pa ni Ogie.

Siyanga pala, isa si Ogie sa mga nag-model sa anniversary fashion show ng kilalang fashion designer na si Randy Ortiz.

At least, naranasan ni Ogie ang mag-model sa isang fashion show kung saan ang mga karaniwang nagmo-model ay matatangkad, huh!

Dahil nasa New Zealand, wala si Regine sa ASAP Natin ‘To bukas.

Sabi ng mga fan niya, sana raw ay nag-tape ng segment si Regine.

Well, abangan na lang bukas kung may nai-tape ba siyang segment since siya na nga at si Sarah Geronimo ang pambato ng Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

Raymond hindi mapakali ‘pag ‘di kasama ang ‘anak’

Love na love ni Raymond Gutierrez ang dog niya na si Presley.

Actually, kahit nasa Los Angeles, California siya kung saan ay may ilan siyang work para sa E! Asia (ang mga taga-E! Holllywood ang crew niya), araw-araw tumatawag si Raymond sa kanyang kasambahay na nag-aalaga kay Presley para kumustahin ito.

Araw-araw ring nagpapadala kay Raymond ng picture ni Presley ang kanyang kasambahay.

“I miss Presley,” sabi ni Raymond.

Sobrang mahal ni Raymond ang kanyang dog at sabi nga ni Richard Gutierrez, parang anak ang turing ng kanyang twin-brother kay Presley.

Isa nga ito sa mga dahilan kung bakit nag-iisip na si Raymond na umuwi ng bansa bago mag-Christmas.

“Saka gusto ko ring manood ng Fantastica because of Chard and Vice (Ganda). So, kung uuwi ako, I will watch Fantastica sa Metro Manila Fillm Festival (2018),” sabi pa ni Raymond.

DZBB magbabago ng programmings

Mababago raw ang programmings ng DZBB.

Sa Monday raw ay may madadagdag na show.

May mawawala kaya?

Matalbugan na kaya ng DZBB ang DZMM sa mababagong shows nila?

Pero sa bandang hapon lang yata ang changes at hindi naman sa buong m­aghapon at sa Monday pa raw ang announcement tungkol doon.

Well...

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with