^

Pang Movies

Eat Bulaga lilipat na sa kanilang ‘forever’

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Eat Bulaga lilipat na sa kanilang �forever�

Pormal nang inanunsyo nina Vic Sotto at Joey de Leon sa Eat Bulaga kahapon ang paglipat nila ng studio simula sa December 8, Sabado. Pero sa Lunes, Disyembre 3, hanggang Biyernes, Disyembre 7, ay sa Broadway Studios pa rin ang telecast ng programa.

 

Ayon kay Vic, simula 1995 ay Broadway ang naging bahay  ng EB o sa loob ng 23 years. Sa paglipat nila, kanila na ang studio na ginastusan nang todo para higit na mapaganda at espesyal ang bawat episode.

Sa Marcos Highway ang lokasyon ng bagong studio ng Eat Bulaga at hanggang forever na ito!

Jessy napa-OMG sa kaseksihan ni Heart!

Lantaran na ang pagbuyangyang ni Heart Evangelista. Wow na wow ang netizens nang ilabas niyang picture na naka-black swimsuit, huh!

Sa mga nakaraang posts ni Heart na naka-swimsuit, kung hindi malayo ang kuha sa kanya eh, nakatagilid naman ang poses niya.

Komento ni Jessy Mendiola sa pic ng Kapuso actress, “OMG!”

Hot na hot naman ang dating niya sa ilang netizens.

AiAi alive and kicking na naman

Alive and kicking na naman si AiAi de las Alas. After niyang maospital, sinelebreyt naman niya ang birthday ng kanyang Darl na si Gerald Sibayan.

This time at habang walang shooting ng Viva movie, inaakaso na niya ang gagawin niyang Christmas party para sa mga elderly na nakatira sa Missionaries for Charity sa Tayuman, Manila.

Taun-taon ay ginagawa ni Ai ang outreach program niya sa pamamagitan ng pagpapaligo, pagpapakain at pasayahin ang charity home. Bukod pa ito sa mga personal niyang tulong sa mga humihingi ng tulong, huh!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with