^

Pang Movies

‘Wag mag-feeling sikat para ‘di malaos’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Alam mo Mama Salve, naniniwala ako na hindi totoo ang akala ng ibang celebrity na nababawasan ang friends nila pag laos na sila. Iyon kasing acceptance ng kalagayan mo, nasa iyo iyon. Hindi ba lagi natin sinasabi, you are only good as your last appearance, write up, or whatever you do? Kasi nga mga celebrity kung minsan inilalagay sa ulo iyong kasikatan at nalalasing agad sa tagumpay. Pero kung level headed ka, hindi mo hahanapin iyon mga bagay na nawala. Like iyong mga amenities na binibigay sa iyo ng nasa itaas ka pa, dapat alam mo na siguro binigay iyon kasi nga nandun ka sa puwesto, ngayon hindi ka na binibigyan kasi iba na ang nandun, o eh ano problema? In life, kahit ayaw natin tanggapin me­ron ranking, mas mataas sa iyo, mas malaking bigay. Nasa ibaba ka, maliit lang share mo. Iyon and sad reality ng society.

 

Kung binigyan ka ng chance na malagay sa itaas, huwag kang mag-ilusyon na doon ka na fo­re­ver, darating ang oras na may aagaw ng puwesto mo at mawawala ka. Huwag kasi feeling celebrity, konting popularity lang, gusto mo lagi kang royalty, lagi ka nang bibigyan importansiya. Kahit nasa itaas ka, maging normal ka, dahil lahat naman ng bagay may beginning pero meron ding ending.

Pag nawala na iyon mga dating nandiyan, iyon mga nagbibigay, iyon mabait sa iyo dati ay ok lang, pasalamat ka natikman mo kahit paano. Pag may nagtatanong nga kung affected ka ba dahil iba na trato sa iyo ngayon, dapat sagot mo NO dahil for you basta buo ka, basta alam mo kung sino ka, basta may paniwala ka sa sarili mo at kung anong trato sa iyo iyon ang responsibilidad niya, basta hindi ka binastos. Suwerte mo kung iyon naging relasyon n’yo beyond ng naging katayuan mo, iyon kahit wala kang show, wala kang write up, wala kang magagawa para sa kanya, iyon pa rin ang turing niya sa iyo.

Walang laos, walang sikat, basta tanggap mo kung sino ka. At dapat confident ka dahil hindi ka masasaktan kung nagbago man sila.

Pasko mas pinaaga dahil sa Traffic

Alam mo ba Salve na nakatulong yata ang sobrang traffic na dahil ayaw ng iba na ma-late ang mga regalo nila, ang aga-aga na ng delivery at Christmas party ha. Ang PAMI, November pa lang meron na sa Novotel. Ang SPEEd December 1, si Mother Lily ang aaga ng mga sked para sa party. Nagpahatid na sila Dingdong Dantes at Marian Rivera, pati si Rams David. Sila Dr. Hayden, Vicki at Scarlet Kho nagpadala na rin. Ang ever favorite kong si Mayor Enrico Roque, Mang Erning Lim ng Ultramega, nagpadala na rin. Bongga dahil ayaw nilang maipit at ma-delay ang pagbibigay, pinadala na ng maaga. Ang Ivi Ryo Meth, Beautederm, Kamiseta. Hayan na Mama Salve ang alok-bati ko. Pero siyempre walang tatalo sa mga Santa Claus ng buhay natin na sila Papa Albee Benitez at Papa Toby Tiangco ha, all year round ang regalo. Pasko ng Chinese, Pasko ng Pagkabuhay, Paskong tunay, andiyan ang gifts. Hahaha, mukhang mas manigo ang 2019 para sa ating lahat. Welcome and hello New Year hahaha.

Jessy first time sa MMFF

May special participation sa The Girl in the Orange Dress ang isang malapit kay Jessy Mendiola.

Hindi ko sasabihin ang name ng special guest dahil ayoko na ako ang maging spoiler sa pelikula na official entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival.

Mahirap din na hulaan ang kuwento ng filmfest movie ni Jessy pero isang bagay ang sigurado, orange ang kulay ng kanyang damit sa pelikula at orange dress din ang malamang na suot niya sa co­ming soon presscon ng The Girl in the Orange Dress.

Kung hindi ako nagkakamali, first time rin ni Jessy na magkaroon ng pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018 na siya ang lead actress.

Catriona pansin na pansin sa arrival sa Bangkok dahil sa suot na damit!

Kinabog daw ni Catriona Gray ang ibang mga kandidata sa 67th Miss Universe dahil sa 95 delegates, siya lang ang nakaisip na magsuot ng damit na national costume for women ng Thailand ang peg.

Brilliant ang idea ni Catriona at ng kanyang mga stylist dahil talagang napansin ang arrival niya sa Bangkok noong Huwebes.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with