^

Pang Movies

Zsa Zsa gamit na gamit ng nagbebenta ng lote

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Naaliw ako sa isang nagbebenta ng farm lot sa isang kaibigan ko.

 

Sa Lucban, Quezon ang farm lot na ibinebenta ng taong ‘yon sa kaibigan ko.

Ang pang-come on daw kasi sa ibinebentang farm lot ay, “Malapit na malapit lang ‘yan sa farm na nabili ni Zsa Zsa Padilla sa Lucban!”

O, ‘di ba, bongga, at nagagamit si Zsa Zsa na parang endorser siya ng mga farm lot sa Lucban, huh!

Hahaha!

Anyway, sabi pa raw ng nagbebenta, patatayuan na ni Zsa Zsa at ng fiancé niyang si Conrad Onglao ng rest house ang farm lot na nabili ng dalawa.

‘Di sineseryoso…

Noong Thursday ang last day ng substitution para sa mga kandidato sa May 2019 elections.

Wala nang update tungkol sa tsikang magiging substitute si Willie Revillame ng isang kandidato, kaya hindi na pinag-uusapan ang tungkol doon.

Hindi naman daw kasi basta iiwanan ni Willie ang pagiging host/producer ng Wowowin ng GMA 7 kaya wala rin naman talagang sumeryoso sa tsikang kakandidato nga siya sa pagka-alkalde ng QC.

Jeremy apektado sa bagong karelasyon ni Gwen

Alam mo, Ateng Salve, sobra palang in love itong si Jeremy Marquez sa ex-girlfriend niyang si Gwen Zamora.

Kuwento ng isang malapit kay Jeremy, affected daw ito sa pakikipagrelasyon kaagad sa iba ni Gwen after nilang maghiwalay.

Actually, kahit si Manay Lolit Solis nga na close sa kanilang dalawa ay nagulat nang ikuwento ko na karelasyon na ni Gwen ang PBA player na si David Semerad.

Sa ngayon nga, nagpapakasaya sina Gwen at David sa Boracay island at may matching tattoo pa ang dalawa, huh!

So, ang relasyon nga ni Gwen ang malaking hadlang para magkaroon sila ng chance na magkabalikan ni Jeremy at ‘yon daw talaga ang nakakaapekto ngayon ng malaki sa anak ni Joey Marquez.

Well…

Mga artistang may MMFF entry, bawal magbakasyon!

Karamihan sa mga artistang may official movie entry sa Metro Manila Film Festival 2018 ay hindi muna magbabakasyon bago mag-Christmas at tatapusin muna ang awards night sa December 27 bago makapag-abroad o makapag-out of town.

Hindi ko lang sure kung may ruling ang MMFF 2018 na kailangang nasa parade at awards night talaga ang major stars ng bawat pelikula, pero ang mga artistang madalas sumali sa nasabing filmfest ay sanay na talaga na committed sila hanggang sa awards night.

May isa akong tinanong na involved sa filmfest tungkol doon at sinabing, “Hindi naman multa ang tawag… pinag-commit lang talaga ang mga producer at major star.”

At sa awards night, kapag may award na nakuha ay hindi raw makukuha ang cash prize kapag wala roon ang artista!

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with