^

Pang Movies

Pictorial ni Andrea na topless, for sale na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pictorial ni Andrea na topless, for sale na
Andrea Torres

Sobrang excited na si Andrea Torres sa kanyang summer vacation sa susunod na taon sa Maldives.

Sa April 2019 ang punta nina Andrea at ng kanyang mom sa nasabing lugar. Nabanggit ito ng aktres nang minsang ma-interview namin. Pero sa Pasko at Bagong Taon, dito lang sila.

Naging panata na raw nila ng kanyang pamilya na hindi umaalis ng bansa at sama-sama silang magsi-celebrate ng Pasko at iwe-welcome ang Bagong Taon.

 Sa tanong kung bakit ang nanay niya ang kanyang kasama, ang sagot, para iwas sa tsismis ay para makapagbakasyon siya nang walang isyu at walang intriga.

Samantala, available na for P800 ang 2019 Calendar ni Andrea na siya mismo ang nagprodyus kasama ang photographer ng calendar. Nasa socmed account niya kung paano makakakuha ng calendar na ang pasabog, may isang picture na topless ang Kapuso actress.

May pa-promo si Andrea para sa mga mag-a-avail ng calendar at ang nine winners, makaka-dinner niya, kaya sali na!

Nabanggit pala ni Andrea na habang wala siyang bagong show, baka bumalik siya sa Bubble Gang na kung saan, isa siya sa mainstay.

Momoland may free concert sa Ilocos

Paano ‘yan? Mauuna pang mag-concert ang Momoland sa Ilocos Sur kesa sa Manila o Quezon City. Naka-announce na ang concert ng sikat na Korean group sa December 9, sa Tamag Grounds, Vigan. Sponsored ang mini-concert ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson.

Heto pa, free entrance ang mini-concert, kaya lahat makakapanood. Kailangan lang maaga sa venue at ang nakasulat, 4pm., pa lang, bukas na ang gate ng venue. Nagkakabiruan nga na dahil sa ginawang ito ni Gov. Ryan Singson, iboboto nila ito.

Tiyak na maraming taga-Manila ang susugod sa Ilocos Sur, lalo na ang fans ng Momoland para mapanood sila. Kahit mini-concert lang ang gagawin, magpe-perform pa rin ang Momoland.

Naalala namin, nabanggit minsan ni Sharon Cuneta na gusto nilang mapanood ng kanyang mga anak ang Momoland, pumunta kaya sila sa Ilocos Sur?

Solenn at Mikee magkapatid ang turingan

Pinost ni Solenn Heussaff ang video ng rehearsal nila ni Mikee Quintos para sa guesting pangalawa sa concert ng una sa December 8, sa isang lugar sa Mckinley sa BGC, Taguig City.

Ang ganda ng blending nina Solenn at Mikee sa song na hindi namin alam ang title.

Ang caption ni Solenn sa video, “Practicing our first duet with my sister from another mister @mikeequintos:).”

Sa rehearsal pa lang, marami na ang nagkagusto sa duet ng dalawa, mas lalo na ‘pag performance na. Mahusay na singer si Mikee at tumutugtog pa ng gitara at napakita na niya ang talent niya sa singing at guitar playing sa Onanay. Kumakanta rin siya sa Studio 7.

As for Solenn, matagal na rin siyang kumakanta at naging recording star pa nga.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with